top of page

Ex-couple, together again sa ‘Pinas… RUFFA, INAWAY NG MGA BABAE NI YILMAZ

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Apr. 24, 2025



Photo: Ruffa at Yilmaz - IG, FB, Circulated


MUKHANG matutuloy talaga ang pagdalaw sa Pilipinas ngayong Mayo ng ex-husband ni Ruffa Gutierrez na si Yilmaz Bektas.


Matatandaang unang inanunsiyo ni Ruffa last March na may planong bumisita ang kanyang dating asawa sa Pilipinas matapos ang mahahabang taon para dalawin ang dalawa nilang anak na sina Lorin and Venice.


Pagkatapos nito ay kinumpirma naman mismo ni Yilmaz sa kanyang Instagram (IG) account ang planong pagpunta sa ‘Pinas.


“For public opinion: Regarding the news about me that has been published in the media recently, I would like to say, ‘Yes, this news is true. I will be visiting the Philippines soon,’” ang statement ng Turkish businessman.


Pero heto na nga ang siste, after kumpirmahin ni Yilmaz ang pagtungo sa bansa, ayon kay Ruffa ay napakarami raw nag-react na mga babae at inaaway siya.


“Ang nakakaloka d’yan, nu’ng in-announce n’ya na pupunta s’ya, maraming girls na nag-message sa ‘kin,” pagbubunyag ni Ruffa nang makatsikahan namin kamakailan sa contract signing and launching niya bilang pinakabagong endorser ng Kabayan Remit.


“Ayoko s’yang patulan, ‘yang mga girls na ‘yan, pero you know, nabasa ko. ‘Wag na kayong mag-message sa ‘kin because wala naman ako sa buhay ni Yilmaz for the last how many years,” sey pa ni Ruffa.


Dagdag pa niya, Pilipino pa raw ‘yung isang nag-message sa kanya na affected talaga sa pagdalaw ni Yilmaz sa mga anak ni Ruffa. Ang akala raw yata ng mga girls na ito ay magbabalikan sila ng Turkish businessman.


“Let him come and spend time with his kids. It’s not about me. It’s not about us getting back together. It’s about him having a connection with the kids na once pa lang nangyari,” paliwanag ng aktres.


Inaway nga rin daw niya si Yilmaz dahil sa pagme-message sa kanya ng mga girls na ito at ang sabi lang daw nito sa kanya ay “Don’t mind them.”


Tungkol sa posibilidad ng pagbabalikan nila ng kanyang ex-hubby, ani Ruffa, “Hindi ko pa siya nakikita since 2008, so tingnan muna natin. Pumunta muna s’ya dito, pero ayoko kasing unahin ang mga lovey-lovey.”


Biro pa ng aktres, “Ang importante, ang padala niya. Puwede siyang magpadala ng remittance thru Kabayan Remit para sa ‘kin at sa mga bata,” sabay-tawa.


Well, alam naman daw ni Yilmaz na taken na siya ngayon although wala raw itong opinyon sa kanyang karelasyon na everybody knows naman kung sino.


Basta ang request lang daw sa kanya ni Yilmaz pagdating dito ay huwag siyang iwan sa hotel palagi.


“Kasi before, the last time he was here, lagi akong may work and I would always leave him in the hotel. So sabi niya, make sure that when he comes, wala akong work. ‘Yun lang ang request n’ya sa ‘kin,” aniya.


Samantala, isa na naman ang Kabayan Remit sa mga nadagdag na blessings kay Ruffa at labis siyang nagpapasalamat sa mga brands na kumukuha sa kanya bilang endorser.


“They still believe, trust, and want me to represent their brands. So maraming salamat sa mga kumukuha sa akin. But before accepting endorsements, I ensure I test the product from a reputable company. I also want to make sure that I endorse a trusted and admired brand so that it is easier for me to promote,” aniya.


Ang Kabayan Remit ay isang online money transfer platform sa Pilipinas na available rin sa US, Canada and sa United Kingdom.


Si Ruffa ang kauna-unahang celebrity endorser ng Kabayan Remit. Present din sa nasabing launching/contract signing ang mga executives ng nasabing online remittance na sina Princess Manalo and Karina Salve Untalan.



Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page