top of page
Search
BULGAR

Ex-champ Tapales, balik-laban sa closed-door sa Gensan

ni Gerard Peter - @Sports | November 12, 2020




Muling magbabalik sa ibabaw ng ring si dating World Boxing Organization (WBO) bantamweight titlist Marlon “The Nightmare” Tapales para tapatan ang kapwa Filipinong si Eden “Manila’s Golden Boy” Sonsona sa pambungad na closed-door 10-round lightweight main event ng Sanman Promotions na “The Restart” sa Nobyembre 21 sa Sanman Gym sa General Santos City sa panahon ng (Covid-19) pandemic.


Mahigit isang taon ng huling sumalang ang 28-anyos mula Tubod, Lanao del Norte sa isang laban, susubukan ni Tapales (33-3, 16KOs) na maibalik ang dating galaw laban kay Sonsona (36-11-2, 13KOs), na nagnanais makabangon sa 5-fight losing streak na huling nakatikim ng laban noong pang Oktubre 16, 2019 sa isang TKO lost kay Adones Aguelo sa Calbayog City para sa bakanteng Philippine Boxing Federation lightweight title.


Kasalukuyang nasa No. 4 si Tapales sa IBF ranking ng junior featherweight na hawak ni unified IBF/WBA super-bantamweight Murodjon Akhmadaliev (8-0, 6KOs) ng Uzbekistan. Huling lumaban ang Filipino southpaw boxer laban kay Ryosuke Iwasa ng Japan para sa bakanteng interim IBF 122-pound title via 11th round TKO noong Disyembre 7, 2019 sa Barclays Center sa New York City.


Kabilang din sa mga masasaksihan sa boxing event si dating WBO super-flyweight contender Aston “Mighty” Palicte (26-4-1, 22KOs) ng Bago City, Negros Occidental laban kay Reymark “The Machine Gun” Taday (10-12-1, 5KOs) ng Binan City, Laguna para sa 8-round bantamweight fight.


We are happy to be back on air to give you non-stop Pinoy Boxing action. Sanman has made name by pitting out the bravest Filipino warriors against each other and against foreign opponents. We always guarantee a night of knockouts. Please watch us live,” pahayag ni Sanman CEO Jim Claude Manangquil.


Ayon kay Mananquil, makakaasa ang mga manonood ng naturang event via livestream ng Facebook account ng Sanman Promotions ng matinding bakbakan sa muling pagbabalik ng Sanman Boxing sa bansa.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page