top of page
Search
  • BULGAR

Ex-Cabinet member na protektor ng POGO, lagot

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | July 2, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


WALANG AMBISYONG MAGING SENADOR SINA ACT-CIS CONG. ERWIN TULFO AT EX-VP LENI ROBREDO KAYA DAPAT ‘DI NA ISINASAMA SA SENATORIAL SURVEY -- Sa kabila na sinabi nina ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo na for partylist representative uli siya, at former Vice Pres. Leni Robredo na for mayor ng Naga City ang lalahukan niya, habang wala silang ambisyong maging senador ay isinama pa rin ng Publicus Asia ang kanilang pangalan sa senatorial survey. Si Cong. Erwin ay rank number 2 at si ex-VP Leni naman ay rank number 8, at kung titingnan ang iba pang pumasok sa top 12, lahat sila ay mga sikat na personalidad.


Isa lang ang nakikita nating dahilan bakit ‘yung mga pulitikong nagsabi na hindi sila kakandidato for senator ay isinasama pa rin sa senatorial survey, kasi need ng mga survey firm na isali ang name ng mga sikat para maging patok at paniwalaan ng publiko ang kanilang mga inaanunsyong survey, boom!


XXX


‘DI NAGKAMALI SI PBBM SA PAGTALAGA KAY TENGCO SA PAGCOR KASI MAY ‘BALLS’ ITO PARA BANGGAIN ANG PROTEKTOR NG MGA ILEGAL NA POGO -- Hindi nagkamali si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa pagtalaga kay Alejandro Tengco bilang Pagcor chief kasi may “balls” pala ito laban sa mga protektor ng ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).


Ibinulgar kasi ni Tengco na isang dating miyembro ng gabinete ng Duterte administration ang protektor at nag-aasikaso para mabigyan ng permit ang mga ilegal na POGO, at ayon sa kanya, sa tamang panahon papangalanan niya ito.


Lagot ngayon ang former Cabinet official na ito kasi posible sa Senate investigation ay ibulgar na ng Pagcor chief ang kanyang pangalan, abangan!


XXX


SANA MAY DEATH PENALTY SA MGA PLUNDERER PARA MA-DEAD NA AT HINDI NA MAKAPANGURAKOT -- Kung maibabalik man ang parusang kamatayan sa ‘Pinas, dapat ang death penalty na ito ay para lang sa mga kurakot na pulitiko.


Masyado na kasing kawawa ang mamamayan, parami nang parami ang naghihirap na Pinoy, at sa kabilang banda payaman naman nang payaman ang mga kurakot. May mga nakakasuhan man ng plunder pero sa rami ng nakurakot nila sa kaban ng bayan at may kakayanang kumuha ng mga de-kampanilyang abogado, sila ay naaabsuwelto.


Pero kung may death penalty sa mga plunderer, hindi na sila magkakapuwesto uli sa gobyerno para mangurakot, kasi nga made-dead sila kapag may death penalty na, period!


XXX


MAYOR BIAZON AT COL. DOMINGO ‘DEDMA’ SA ‘SAKLANG PATAY’ NI ‘WALTER’ SA MUNTINLUPA CITY -- Tuloy pa rin ang operasyon ng ‘saklang patay’ ni alyas “Walter” sa Muntinlupa City.


Diskarte ni “Walter” ay maglalagay ng ‘saklang patay’ sa burol ng mga mahihirap na yumao sa lungsod para raketin sa sugal na ito ang mga nakikipaglamay.


Ilegal ang pasugal na ito, pero sa kabila na ilegal tila dedma lang sina Mayor Ruffy Biazon at city police chief, Col. Robert Domingo sa raket ni “Walter,” tsk!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page