ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | December 11, 2023
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_86acfe78b2bf42bda051403fb2dc8808~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/bd1fd9_86acfe78b2bf42bda051403fb2dc8808~mv2.jpg)
Bentahe para sa career ni Kathryn Bernardo ang pagkakabuwag ng KathNiel love team.
Kasabay ng kanyang pag-amin na break na sila ni Deej ay dumagsa ang offers kay Kath na mga product endorsements. Mas nag-level-up pa nang husto ang kanyang status bilang aktres.
Maraming showbiz observers ang nagsasabing sisikat pa nang husto si Kathryn at makaka-level na siya nina Vilma Santos, Nora Aunor, Sharon Cuneta, Maricel Soriano at Bea Alonzo.
Ang lakas-lakas ng impact ni Kathryn sa publiko at nakuha niya ang simpatya ng maraming kababaihan. Marami ang humanga sa kanyang pag-amin na break na sila ni Daniel Padilla. Matagal na panahon ding nag-try si Kathryn na isalba ang kanilang relasyon na tumagal nang eleven years.
Kapansin-pansin na ang laki ng ipinagbago (transformation) ng kanyang personalidad.
Kulay orange na ang kanyang buhok at mas naging modern and daring na ang style ng kanyang pananamit. Wala na raw kasing Daniel Padilla na nagbabawal at laging nakabantay sa kanya.
Comments