top of page
Search
  • BULGAR

Ex, ayaw na raw makasama uli… RESBAK NG FANS: JAMES, PINAPANOOD LANG DAHIL KAY NADINE

ni Beth Gelena @Bulgary | Sep. 20, 2024



Showbiz News

Hindi nagustuhan ng mga fans ang mga binitiwang pahayag ni James Reid sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz sa vlog nito.


Natanong kasi roon si James kung willing pa ba siyang makatrabaho ang ex-GF na si Nadine Lustre sa kanyang pagbabalik-showbiz ngayon.


Ani James, bilang respeto sa GF niyang si Issa Pressman, ayaw na niyang makasama uli si Nadine na may boyfriend na rin naman, si Christophe Bariou.


Komento ng mga fans na tila nainis sa salitang binitawan ni James:


“As if naman sisikat s’yang muli, eh, hindi naman n’ya kayang magdala ng isang pelikula.”

Litanya pa ng isa, “Kung hindi dahil kay Nadine, makikilala ba s’yang aktor? Panay pa-pogi points lang alam n’yan. At least si Nadz, carry magdala ng pelikula on her own charisma at marunong umarte.”


“Hindi big deal o kawalan kay Nadine kung ayaw s’yang makatrabaho ni James. Sana, ‘wag n’yang kainin ang sinabi n’yang ayaw n’yang makatrabaho si Nadine.”


“Baka ‘di pa rin nakaka-move on si James. Eh, si Nadz, kitang-kita naman na very happy siya kay Christophe.”


 

May ibinulgar si Gabby Concepcion ukol sa Dear Heart (DH) movie nila ni Sharon Cuneta noon sa isang interbyu para sa upcoming US-Canada concert tour nila ng dating misis na may kaparehong title.


Sa interbyu, gusto niyang maging parte ng kanilang concert tour ni Megastar ang anak nilang si KC Concepcion. Sinabi niya ang dahilan kung bakit importante kay KC na maging parte ng DH US-Canada tour.


Call ng production ‘yun, ‘di ko alam balak ng producers. Would be nice to have her there with us. Ang resulta ng Dear Heart ay si KC, big part, kasama si KC.


“Kung may itinanim ka, itinanim namin ay Dear Heart. Ang bunga, si KC. Masarap sana makasama natin,” wika ng veteran actor. 


Sina Gabby at Sharon ay ikinasal noong September 23, 1984. Si KC ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan. 


Naghiwalay ang mega couple nu'ng August 1987 at 1993 ay final nang annulled ang kanilang kasal.


Pareho na ngayong may sariling pamilya sina Sharon at Gabby, at si KC ang nag-iisa nilang anak. 


 

IBINAHAGI ni Karylle ang kanyang unforgettable experience noong bata pa siya. 

Aniya, ang late dad niyang si Modesto Tatlonghari (RIP), ay mahilig na piktyuran siya.


Kuwento niya sa isang okasyon sa Cinderella Store, kinukunan siya ng kanyang dad but she blocked it gamit ang kanyang kamay.


Sobrang nagalit daw ang ama sa kanya dahil sinayang niya ang isang shot from a camera’s film na mapakikinggan sa K’s Drama ni Karylle sa kanyang podcast at mapapanood din sa Spotify PH, kung saan Singapore series ito. 


Aniya, kaya raw nagalit ang ama dahil nagsasayang siya ng film. Bawat shot daw ng camera film ay napaka-precious, 'di tulad sa cellphone ngayon na kapag 'di maganda ang kuha, puwede nang i-delete agad.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page