top of page
Search

Ex at misis niya, super-chikahan na raw sa tent…JANNO, PINAGSAMA SA MOVIE SINA MANILYN AT BING

BULGAR

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 12, 2021





Pagkatapos ng mahabang panahon, muling nagsama sa isang pelikula ang dating magka-love team na sina Janno Gibbs at Manilyn Reynes via Mang Jose ng Viva Films.


Huli pa kasi nilang pelikula together ay noong 1996.


Bukod pa rito, kasama rin sa movie ang asawa ni Janno na si Bing Loyzaga at first time nilang nagsama-samang tatlo.


As we all know ay ex-girlfriend ni Janno si Manilyn bago napangasawa ng singer-actor si Bing.


Ayon kay Janno sa digital mediacon kahapon ay siya mismo ang nag-request na makasama sa movie sina Manilyn at Bing since hindi pa nga raw sila nagkakasama-samang tatlo.


Biro nga niya, baka nga first and last time na nila itong pagsasama-sama sa isang proyekto. Nang matanong kung bakit, sagot niya, “Eh kasi, 'pag magkasama ‘yung dalawa sa tent, si Bing saka si Manilyn, puro ako ang pinag-uusapan nila at nilalait nila, eh.”


Pero wala naman daw ilangan sa dalawang aktres at komportable naman daw ang mga ito working with each other.


“We’re all good friends, kaming tatlo. And proof to that is puwede ko silang iwanan sa isang tent na magkasama. Hindi ko lang alam kung nag-aaway sila sa tent,” joke ni Janno.


When asked kung bakit inabot ng 26 years bago sila nagsama sa isang movie, ayon sa aktor ay wala naman daw kasing materyal. Although sa TV ay maraming beses na silang nagkaroon ng reunion project.


Sa Mang Jose ay hindi naman daw sila magka-love team ni Manilyn dahil kontrabida raw ang role nito.


“Actually, I requested for Manilyn for this role. It’s a different role for her. Spoiler alert, siya po ang pinaka-main villain ni Mang Jose,” pagbabahagi ni Janno.


When asked kung paano naging cast si Bing, aniya, “Ako rin ang nag-request for Bing. I really wanted the 3 of us together kasi hindi pa nga nagagawa. And I think, it’s high time bago kami tumanda nang tuluyan, eh, magkasama-sama naman kami sa movie.”


Ang Mang Jose ay isang superhero movie at ginagampanan ni Janno ang title role.


Pangalawang superhero movie na ito ng singer-aktor at matatandaang ang una ay ang Pedro Penduko na dalawang beses niyang ginampanan.


Highlight daw ng movie ang kanyang costume dahil agaw-eksena raw talaga.


Kasama rin sa Mang Jose sina Jerald Napoles and Mikoy Morales mula sa direksiyon ni Rayn F. Brizuela.


0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page