top of page
Search
BULGAR

Estudyante at guro, alalayan sa mental health problem

by Info @Editorial | Dec. 11, 2024



Editorial

Magandang balita na pirmado na bilang batas ang “Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act”.


Ito ay naglalayong ma-institutionalize ang mental health at well-being programs para sa basic education learners at teaching at non-teaching personnel sa mga pampubliko at pribadong paaralan. Sa pamamagitan nito, matitiyak na ang mga estudyante at titser ay “emotionally and mentally equipped to excel” sa gitna ng kinakaharap na modernong mga hamon.


Pinahihintulutan ng batas na ito ang mga paaralan na maging “sanctuaries of learning and of well-being”. Kung saan, ang mga “care center” ay itatatag sa bawat pampublikong paaralan ng pangunahing edukasyon, na pamumunuan ng isang school counselor, at tutulungan ng school counselor associates na magbibigay ng mga workshop sa pagpapayo at pamamahala ng stress at magpapatupad ng mga programa na makatutulong na mabawasan ang stigma sa kalusugan ng isip.


Mahalaga ang paglikha ng mga support system sa mga paaralan. Malaking tulong ang pagkakaroon ng mga programa at aktibidad na magtuturo sa mga estudyante at guro kung paano pangalagaan ang kanilang mental health at kung paano harapin ang stressors.


Para naman sa mga mag-aaral, hindi dapat ikahiya ang nararamdaman. Ang pagkakaroon ng bukas na pag-uusap tungkol sa mental health ay makatutulong upang mabawasan ang takot at pag-aalinlangan na humingi ng tulong.


Ang isang estudyante at titser na may malusog na kaisipan ay may mas mataas na pagkakataon na magtagumpay sa akademiko at magiging produktibong miyembro ng lipunan.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page