ni Mary Gutierrez Almirañez | May 26, 2021
Dalawampu’t tatlong senador ang pabor na i-extend ng 2 years ang deadline sa pagsusumite ng estate tax amnesty sa ilalim ng Senate Bill No. 2208, na dininig sa ikatlong pagbasa sa Senado nitong Lunes.
Batay sa napagkasunduan ng mga senador na pinangunahan ng chair of committee na si Senator Pia Cayetano, mula sa original deadline na June 14, 2021 ay mae-extend ang filing nito hanggang sa June 14, 2023.
Matatandaang nu’ng nakaraang taon pa ito pinag-usapan sa Senado, kung saan wala namang naging objections sa lahat ng senador.
Comments