ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 9, 2021
Nawalan ng contact ang Indonesian airplane na Sriwijaya Air na may sakay na mahigit 50 katao matapos itong mag-take-off sa Jakarta patungong Pontianak sa West Kalimantan province ngayong Sabado.
Ayon sa tracking service na Flightradar24, ang Flight SJ182 "lost more than 10,000 feet of altitude in less than one minute, about 4 minutes after departure from Jakarta".
Ayon din sa registration details sa tracking data, ang aircraft ay 27-year-old Boeing 737-500.
Saad naman ng Sriwijaya Air na Indonesian airline, kakalap pa sila ng detalyadong impormasyon bago maglabas ng pahayag tungkol sa insidente.
Samantala, pahayag ni Indonesian Transportation Ministry Spokesperson Adita Irawati, "The missing plane is currently under investigation and under coordination with the National Search and Rescue Agency and the National Transportation Safety Committee.”
Коментарі