ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | September 22, 2022
Nitong nakaraang Lunes ay pinarangalan sa Senado ang Olympian pole vaulter na si Ernest John “EJ” Obiena dahil sa kanyang samu’t saring tagumpay ngayong 2022.
12 gold medal, 2 silver medal, at 3 bronze medal ang nakalap ni EJ sa taong ito.
Kasalukuyan siyang top-ranked pole vaulter sa Asia, at no. 3 sa buong mundo.
Nagkaisa ang Senado sa pagkilala sa kanya sa pamamagitan ng Senate Resolution No. 212.
Congratulations muli, EJ, at salamat sa pagdala ng karangalan sa bansa!
☻☻☻
Nagpahayag ang mga government bank ng bansa na susuportahan nila ang mass housing program ng pamahalaan.
Plano ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na magtayo ng isang milyong housing units kada taon hanggang 2028 para mapunan ang housing backlog na 6.5 million.
Mahalaga ang pagpapahayag ng suporta ng ating mga bangko sa tagumpay ng “intensified mass housing program” ng bagong administrasyon.
Umaasa tayong sa tulong ng mga government banks at iba pang financing institution ay maisasakatuparan ang adhikain na mabigyan ng disenteng tirahan ang pamilyang Pilipino.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comments