ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | April 27, 2021
Sa laban ng buong mundo kontra sa COVID-19 pandemic, ang pokus ngayong 2021 ay hinggil sa estratehiya ng pagpapabakuna. Ang pinakamatagumpay na paggulong ng ilang mga bakuna at mga patunay ng bisa nito at maikliang termino ng kaligtasan sa pinalawak nang multinational trials kontra severe acute respiratory syndrome coronavirus 2 (SARS-CoV2) ,may pangako itong makontrol ang pandemya.
Ayon sa panulat ng The Lancet, maraming bansa ang may kani-kanyang programa ng bakuna, inuuna ang health-care workers at vulnerable individuals lalo na ang matatanda at may malalang kondisyon sa kalusugan.
Sa daigdig ng sports, pinahinto ng COVID-19 ang mga normal na aktibidad ng palakasan, lahat postponed ang event, kabi-kabila ang kanselasyon ng national at international events. Iba't ibang pag-aaral noong 2020 ang ginawa hinggil sa pananalasa ng pandemya sa sports at habang pinaiigting ang pagkontrol ng impeksiyon at hindi magkahawahan sa SARS-CoV2, binigyang halaga ang pagbakuna sa individual athletes, sports teams at organisasyon. Kinokonsidera ng sport clinicians ang ilang mahalagang bagay kasama na ang epekto ng ehersisyo sa efficacy ng vaccines, mga potensiyal na side effects, tamang klase ng bakuna para sa atleta o team, mga ipinapayo hinggil sa timing ng vaccination at kung ang nabakunahan na ay hindi na mahahawaan pa.
Hindi na bago ang bakuna sa sporting community. Taun-taon, libu-libong atleta ang nakatatanggap ng influenza vaccination pero ngayon ay inaaral ang peligro at benepisyo ng bakuna ngayong pandemya.
Sa kabuuan ng populasyon epektibo sa marami ang vaccine, tumataas ang antibody titre ng tao, lalo sa indibidwal na nakapag-moderate exercise muna bago ang bakuna. Sa isang inanalisang pag-aaral hinggil sa regular na physical training ng elite athletes at iyong isinailalim sa vaccine-induced cellular at humoral immunity, ang dalawang grupo ay parehong tumaas ang vaccine-reactive CD4 T-cell levels, isang linggo matapos ang bakuna, higit na epektibo sa atleta kumpara sa ordinaryong nag-iingat sa kalusugan.
Kapareho rin nito ang paglakas ng na-neutralized na antibodies ng atleta, lalo kung masundan ng regular high frequency at intensity training.
Sa isa pang pag-aaral sa atleta, ang pag-aanalisa sa epekto ng influenza vaccination on antigen-specific T cell responses, ay ipinakitang walang pinagkaiba sa pagitan ng administration 2 at 24 h post training. Sa kabuuan, hindi nababawasan ang efficacy ng vaccination kapag nasundan ng physical training, higit pang iibayo ang bisa ng bakuna.
Nag-iiba ang detalye ng epekto ng COVID-19 vaccine sa general population base sa formulation ng iba't ibang bakuna. Sa ngayon, ang preliminary trial data ay may 1-3% lang na may adverse effect sa indibidwal. Ang malawakang local at systemic side effects matapos ang COVID-19 vaccination ay maaring maiulat sa late-phase trial data. Bagamat ang side effects ay generally mild ( na hindi apektado ang general activities sa mas batang indibidwal (iyong mababa sa edad 55 ) at mas iibayo sa sandaling makatanggap na ng second dose sa ilang bakuna. Isa sa most widely used COVID-19 vaccines, ang Pfizer/BioNTech (BNT162b2 mRNA Covid-19), na taglay ang local reactogenicity ay naranasan ng 83% ng mas batang indibidwal habang ang systemic reactogenicity, na may kasamang fatigue at sakit ng ulo ay naiulat lang sa 50% na indibidwal, kung saan may 25% ang kinakailangang bigyan ng anti-pyretic o analgesic medication.
Sa mga atleta, ang myalgia ay naiulat na nangyayari sa 21% ng mas bata sa unang bakuna, tataas ng 37% sa second vaccine. Wala namang naiulat na side effects sa epekto ng kanilang physical activity performance, ang impormasyon na ito ang mahalagang pinopokus.
Ang safety analysis sa iba pang main class at widely available vaccine na Oxford–AstraZeneca vaccine (ChAdOx1 nCoV-19), na may 50% ng nabakunahan ay may bahagyang sakit at pamamaga sa braso, mild to moderate severity, na sa iba pang kaso ay nagtatagal ng 4–5 days sa first-dose administration kahit nakakainom ng paracetamol. Ang fatigue at sakit ng ulo ay nararanasan ng 70% ng recipients sa post first-dose na may sakit ng masel at lagnat sa 60%, pero bihira itong mangyari matapos ang 2nd dose.
Ang mga side effects na ito sa ilang kaso ay isang linggong mararanasan ay mahalagang malaman ng atleta kung may nahaharap na training at kompetisyon. Kung hindi siya mapapasailalim muna sa high-quality pre-counselling information hinggil sa inaasahang side effects, puwedeng ire-sked ang 2nd dose ng pabakuna para sa overall efficacy sa katawan para hindi makasagabal sa timing ng kompetisyon.
Kaya mahalaga sa clinicians na maipaliwag ang isyu na ito at maingat na plano para mamonitor ang sintomas makaraang mabakunahan.
Mainam din na makonsidera ang pansamantalang pagbabawas sa training load sa unang 48–72 hours ng post vaccine injection, lalo na matapos ang second dose. Mahalaga iyan na ma-administer ng tama upang mabawasan ang local side effects (lalo nasa intramuscular administration), mainam na pagpili ng lugar na pagbabakunahan at pre-emptive use at availability ng anti-pyretics at simple analgesics.
Comments