ni Thea Janica Teh | September 9, 2020
Inanunsiyo ngayong Miyerkules ng Department of Education (DepEd) na maaari pang humabol sa enrollment ang mga estudyante sa public schools hanggang Nobyembre.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, maaaring humabol ang mga estudyante sa pasukan na magsisimula sa Oktubre 5 dahil mayroong late enrollment policy.
Nakapaloob dito na papayagan pa ring makapasok ang estudyante kahit 80% lamang ang napasukan nito sa buong school year.
Dagdag pa ni Briones, bago pa magkaroon ng pandemya ay isinasagawa na ito.
Umabot na sa 24.3 milyong estudyante ngayong taon ang enrolled sa Alternative Learning System, pribado at pampublikong paaralan. Ang bilang nito ay 87.82% pa lamang ng kabuuang bilang noong 2019, ngunit nalagpasan na nito ang target ng DepEd na 80%.
Comments