ni Lolet Abania | June 17, 2022
Napili sina dating Senate president at beteranong mambabatas na si Juan Ponce Enrile, at outgoing Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na maging bahagi ng gabinete ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa isang statement ngayong Biyernes, sinabi ni Press Secretary-designate Trixie Cruz-Angeles na si retired General Jose Faustino Jr. ay naidagdag din sa listahan ng mga opisyal ng Marcos’ Cabinet.
Ayon kay Angeles, si Enrile ang magiging Presidential Legal Counsel, si Guevarra bilang Solicitor General, at si Faustino ang siyang senior undersecretary at officer-in-charge, at sa kalaunan ay kalihim ng Department of National Defense (DND).
Sa Hunyo 30, nakatakdang maupong pangulo ng bansa si P-BBM. Sinabi ni Angeles na ang bagong nominasyon ang highlight ng commitment ni P-BBM hinggil sa aniya, “to encouraging economic development and inclusive growth.”
Si Marcos, anak ng yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ay nangakong ipaprayoridad ang agrikultura, healthcare, edukasyon, infrastructure development, digital infra, job creation, at ang utilization ng renewable energy.
Comments