top of page
Search

ENHYPEN, naglabas ng album preview para sa “Romance : Untold”

BULGAR

ni Eli San Miguel @Overseas News | July 5, 2024



News

Naglabas ang K-Pop boy band na ENHYPEN ng isang preview ng kanilang upcoming studio album na "Romance : Untold," na ilalabas sa Hulyo 12.


Ipinakita nila ang isang house party-themed album preview para sa opisyal na YouTube channel ng HYBE Labels, kung saan makikita ang mga miyembro na masayang nakikisabay sa bawat kanta mula sa album.


Mayroong walong kanta sa album na may natatanging genre ang bawat isa: "Moonstruck" (alternative R&B),"XO (Only If You Say Yes)" (pop), "Your Eyes Only" (soft synth-pop), "Hundred Broken Hearts" (alternative R&B), "Brought The Heat Back" (funk/dance pop), "Paranormal" (rock drum & bass), "Royalty" (modern pop), at "Highway 1009" (medium pop).


Ibibida sa bagong album ang mas pinaunlad na kakayahan sa musika ng grupo sa pamamagitan ng pagiging producer at lyricist. Ilalabas ang "Romance : Untold" dalawang taon at siyam na buwan matapos ang kanilang unang studio album na "Dimension : Dilemma."


Binubuo ang ENHYPEN ng pitong miyembro na sina Jungwon, Heeseung, Jay, Jake, Sunghoon, Sunoo, at Ni-ki. Sila ang pinakamabilis na K-Pop boy group na naging million seller kaya naman patok na patok din sila sa mga Pinoy K-Pop fans.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page