ni Rohn Romulo - @Run Wild | September 20, 2022
Patuloy na pinag-uusapan kung ano na nga ba ang real score tungkol sa hunk actor na si Zanjoe Marudo at sa beautiful daughter nina Papa Art Atayde at Sylvia Sanchez na si Ria Atayde.
Sa tsikahan namin sa businessman husband ng award-winning actress sa kanilang rest house sa Tali, Nasugbu, Batangas, ang una niyang nasabi ay pagdating sa love life ng mga anak ay never silang nanghimasok o nakialam.
Lalo pa nga't nasa edad na si Ria, na binabantayan ng mga Marites sa magiging development ng kanyang namumulaklak na buhay-pag-ibig, tulad din ng ginawa nila noon sa panganay na si Arjo Atayde na ngayo'y engaged na kay Maine Mendoza, na kung hindi mababago ang plano ay ikakasal na bago matapos ang 2023.
Samantala, tama rin naman ang opinyon ng ibang netizen na dapat ay magmula ang announcement kay Zanjoe kung nasaan na ba ang estado ng relasyon nila ngayon ni Ria.
At 'yan ang ating aabangan sa mga susunod na araw o buwan.
Samantala, inamin ni Sylvia Sanchez na naka-take 15 siya bago nabuo ang kanyang birthday message para sa inangkin na niyang panganay na anak na si Ice Seguerra na nagse-celebrate rin ng kanyang 35th anniversary sa showbiz industry, kung saan parte nito ay ipinalabas last Saturday sa Eat…Bulaga!.
Panimula ni Ibyang, "Hindi ko kasi alam kung saan ako magsisimula at saan matatapos sa birthday message na ito.
"Anyway, masaya ako sa ginawa natin, na kumain tayong dalawa sa may Retiro, simple lang, pero napakasaya ko.
"Napakasaya ko rin na pinapanood kita na namimigay ng pagkain hanggang madaling-araw sa District 1, ang saya-saya mo, totoo talaga 'yung kaligayahan mo.
"At 'yun ang gusto ko at pangarap ko sa 'yo. Alam ko na masaya ka ngayon with Liza (Diño) at sa pamilya mo. 'Yun ang gusto kong mag-stay sa buhay mo.
"Alam kong marami ka pang pangarap at gusto kong makamit mo 'yun. Alam mo kung bakit, kung ano ang sandata mo, ay 'yung kabutihan ng puso mo. Walang mintis, dahil sigurado akong maaabot mo 'yung lahat ng pangarap mo."
Paniniguro pa ng nanay-nanayan ni Ice, "Lagi mong tatandaan na anytime, kahit anong oras, tulog man kami ng Ninong Art mo, isang katok mo o isang tawag, nandito kami palagi para sa 'yo.
"Nagpapasalamat din ako 'Nak sa Be Careful with My Heart, hinding-hindi ko makalilimutan 'yun sa tanang buhay ko, dahil ang show na 'yun ang naging dahilan kaya nandito ka ngayon sa buhay ko at nand'yan ako sa buhay mo.
"Ikaw ang pamana sa akin ng BCWMY kaya thank you talaga sa show.
"At bilang nanay mo, hindi man kita inilabas dito (sa matris ko), alam mo na dito sa puso ko, ikaw ang panganay kong anak. At mahal na mahal kita, Aiza o Ice Seguerra, kahit sino ka pa, sobra kitang mahal at ng buong pamilya."
Pahabol pa ng Pambansang Nanay, "Pero pakiusap ko lang sa 'yo, every time na pupunta ka sa bahay at nakakatulog ako sa ganda ng boses mo, kahit kinukunan mo ako at winawalanghiya, wala naman akong magagawa, basta make sure na, kailangan maganda si nanay 'pag natutulog at hindi nakanganga, or else, dahil lagot ka sa akin 'pag ipinost mo 'yun, ok.
"'Nak, I love you so much, deserve mo na maging masaya, I love you batang may magandang puso."
At noong mismong birthday ni Ice last Saturday, may post si Sylvia ng nakakatawang pa-sexy photos ni Ice na magkakaroon ng first major concert after a decade sa October 15 sa The Theater at Solaire na produced ng Fire and Ice Media Prod. Inc. at Nathan Studios.
Agad naman itong sinagot ni Ice sa kanyang IG post kung saan ipinost na nga niya ang sleeping photo ni Ibyang.
Caption niya, "Nakakabighani ka talaga kapag tulog, 'Nay. Salamat sa birthday greeting mong napaka-sweet. Laaaaabyu!!!!
"PS, Thanks for the photo @ataydegela you da best!!!"
'Kaloka! So, naging IG post na itong natutuwang okrayan ng mag-ina, na for sure, gaganti na naman si Sylvia, kaya humanda ka, Ice, sa susunod na pasabog, bagay na kinaaaliwan ng mga netizens at kanilang mga followers.
Comments