ni Julie Bonifacio @Winner | July 7, 2024
Dawit ang aktres na si Denise Laurel sa balitang hiwalayan ng mag-asawang radio DJs na sina Mo Twister at Angelicopter na ang tunay na pangalan ay Angelika Schmeing-Cruz.
Ibinunyag daw nitong si DJ Angelicopter na nakipaghiwalay na siya kay DJ Mo at kung ano ang kanyang dahilan during her livestream.
Sinabi raw ni DJ Angelicopter na hinding-hindi na siya makikipagkasundo sa kanyang asawa pagkatapos ng kanilang paghihiwalay. Hindi na rin daw siya babalik sa podcast show ni Mo, ang Good Times With Mo matapos magdesisyon ang huli na mag-imbita ng mga bagong bisita.
Enero pa lang daw ng taon na ito ay problemado na siya sa relasyon nila ni DJ Mo. Pero ang nag-trigger daw talaga para magdesisyon na si DJ Angelicopter na makipaghiwalay kay DJ Mo ay nu’ng imbitahan si Denise Laurel sa kanilang podcast. Ibinulgar ni Angelica na may nakaraan daw sina Mo at Denise.
Kaya lang, ang nakakalurky, eh, tinanggal daw ni DJ Angelicopter ang video sa streaming.
At ngayon, waiting ang mga netizens sa reaction ni Denise.
Anyway, bukas ang BULGAR sa panig nina DJ Mo Twister at Denise Laurel.
Comments