ni Lolet Abania | January 12, 2022
Ipinahayag ng Commission on Elections (Comelec) na asahan nang ilalabas ang pinal na listahan ng mga kandidato sa 2022 national at local elections sa Enero 15, habang ang printing ng official ballots ay posibleng simulan sa Enero 17.
Ito ang sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez sa isang virtual press conference ngayong Miyerkules.
“Ang estimate natin, matatapos ang final ballot faces by January 15 which means ‘yun na ang final list of candidates and we hope that we will be able to start printing by January 17,” paliwanag ni Jimenez.
Naghahanda na rin ang Comelec para sa tinatawag na walk through sa mga opisyal mula sa National Printing Office.
Sa ngayon, nakapagtala ang poll body ng 10 presidential aspirants, siyam na vice presidential bets, at 64 senatorial aspirants sa kanilang latest tentative list ng mga kandidato sa 2022 elections.
Comments