ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | August 23, 2021
Si Jackie Chan ang itinapat ng Shopee kay Hyun Bin na endorser ng kakumpitensiyang online shopping app, kaya tuwang-tuwa ang mga regular buyers ng nasabing app dahil sinayawan lang ng global superstar at movie icon ay nag-'crash landing' na ang Korean actor.
Sabi nga ng ilang Shopee addicts, “Sayaw lang ni Jackie, pamatay na kay Hyun Bin.”
Samantala, hindi naman nakadalo si Kris Aquino sa isinagawang Zoom mediacon ng Shopee na siya sana ang magpapakilala kay Jackie Chan. Sayang, sigurado kaming marami itong masasabi sa legendary actor.
Nanghinayang nga rin ang mga imbitadong vloggers at media dahil wala si Kris. Gayunpaman ay nasiyahan naman nang husto ang lahat dahil bumaha ng premyo sa isinagawang pa-games at sangkatutak ang pa-raffle.
Anyway, ang sikat na bida ng pelikulang Rush Hour ang bagong brand ambassador ng Shopee ngayong ‘ber months’ para sa promo nila simula ng 12 midnight hanggang 2 AM sa September 9.
Isa pang kinatuwaan ay nang magsalita ng Tagalog si Jackie na, “Bili na sa Shopee. Salamat Shopee.”
Ayon kay Ginoong Martin Yu, director ng Shopee Philippines, “The pandemic continues to affect both individuals and businesses. As communities continue to live, work, shop, and play from home, we have stepped up our efforts to ensure users have access to their daily essentials through our shopping campaigns.
“We are also committed to supporting local MSMEs and have launched a series of support initiatives as well as Support Local campaigns to generate greater visibility and enable users to easily identify and support local businesses. We look forward to bringing some joy to our local communities during this year-end season.”
Say naman ni Jackie, “I enjoy putting a smile on people's faces. It's exciting to partner with Shopee to celebrate the action-packed year-end festival and bring more joy to my fans and Shopee users. I had a lot of fun working with Shopee and I think people of all ages will enjoy the activities and content that we have prepared together. I hope everyone can join us to make the year-end shopping season a memorable one.”
Abangan sa Setyembre 9 sa GMA-7 ang bagong ipapakilalang sikat na K-Pop group na makikiisa sa mega sale ng Shopee bukod sa iba pang performers.
Comments