top of page
Search
  • BULGAR

ENDORSEMENTS NI CARLOS, IBOBOYKOT NG MGA KAMPI SA PAMILYA NIYA

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 13, 2024



Showbiz News

Marami ang nagsasabing hindi nila tatangkilikin ang anumang produkto na ie-endorse ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo. Ito raw ay bilang suporta nila sa mga magulang ni Carlos na patuloy na binabalewala ng champion gymnast. 


Dismayado ang publiko kay Caloy dahil sa hindi magandang trato niya sa kanyang mga magulang. 


Araw-araw ay dumarami ang nakikisimpatya kay Mommy Angelica, at mga bashers naman ang dumudurog ngayon kay Carlos, lalo na’t panay ang post nila ng nobyang si Chloe San Jose sa socmed ng mga patutsada laban sa mag-asawang Yulo. Nabawasan na rin tuloy ang mga kabataang umiidolo kay Carlos.


Sa mata ng mga nanay, si Carlos Yulo ay isang suwail at walang utang na loob na anak. Nawalan ng saysay at halaga ang napanalunan niyang dalawang gold medals sa Paris Olympics.


 

KUNG pagbabasehan ang mga assets at properties na naipundar ni Sarah Geronimo, kasama siya sa mga mayayamang showbiz personalities. 


Sa huling balita, ang net worth ni Sarah Geronimo ay umabot na sa mahigit P3 billion. 

Bukod sa mga negosyo niyang naipundar, meron din siyang 5-hectare farm sa Tanay, Rizal, pati na mansion, recording studio, resto, cosmetics business at mga sasakyan.


Dahil financially stable na si Sarah, nagagawa niyang mag-slow down muna sa kanyang career. 


Pero hirit ng mga fans at supporters niya, sana raw ay magpatuloy pa rin si Sarah sa paglabas sa telebisyon at pagtanggap ng pelikula. Kailangan niyang maging visible pa rin dahil malalaking endorsements ang katumbas nito. Hindi naman siya puwedeng dumepende na lang sa kanyang concerts, at hindi na rin uso at mabili ang mga album ngayon. 


Sa dami ng mga fresh at magagaling na singers-performers ngayon, baka may biglang pumalit kay Sarah Geronimo.


 

SA guesting nina Ai Ai delas Alas at Arnell Ignacio sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), muli nilang sinariwa ang kanilang masasayang araw noong nagsisimula pa lang silang mag-perform sa mga comedy bars. 


Sa Music 21 sa Timog sila unang nabigyan ng exposure at sumasahod lamang ng P200 bawat gabi sa kanilang pagso-show. 


Naging mag-BFF sina Ai Ai at Arnell na akala ng iba ay nagkaroon sila ng relasyon. Nagtutulungan sila kapag may mga problema. 


Kuwento ni Ai Ai, sa bahay ni Arnell siya nakitira noong buntis siya sa anak niyang si Sancho.  Higit pa sa magkapatid ang turingan nila.


Pareho silang nagsikap upang magkaroon ng break sa showbiz. Bukod sa pagiging comedian-singer, magaling ding mag-host si Arnell, kaya nabigyan siya ng mga shows sa GMA-7 tulad ng Chibugan Na, Kwarta o Kahon, Go Bingo, Katok Mga Misis, atbp.. Hanggang sa naging public official siya at naging OWWA deputy director. 


Well, kahit bihira silang magkita, nananatili ang malalim na pagkakaibigan nina Ai Ai at Arnell. Kabisado na nila ang status ng love life ng isa’t isa.


Ngayon ay pareho na silang successful sa kanilang career.


0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page