ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 30, 2023
Dati nang nagbibida sa pelikula ang comedian na si Empoy Marquez. Maraming nagulat nang maging blockbuster sa takilya ang pelikulang Kita Kita na pinagtambalan nila ni Alessandra de Rossi. At dahil doon, nagkasunud-sunod na ang kanyang mga projects.
May mga nagsasabing si Empoy ang susunod na Rene Requiestas at Redford White ng showbiz. Napakanatural kasi niyang magpatawa. At tulad ng yumaong Comedy King na si Dolphy, puwedeng ipareha si Empoy kahit kaninong aktres lalo na kung rom-com ang tema.
Aktibung-aktibo ang career ngayon ni Empoy Marquez. Freelancer siya kaya puwede siyang tumanggap ng show kahit saang network. Ngayon ay kasama siya sa bagong action-serye ng GMA-7, ang Black Rider.
Masaya si Empoy sa kanyang pagkakasama sa Black Rider at nakatrabaho niya si Ruru Madrid atbp. action stars tulad nina Raymart Santiago, Mon del Rosario, Zoren Legaspi, Gary Estrada atbp..
Lutang na lutang pa rin ang pagiging comedian ni Empoy Marquez kahit sumasabak na siya sa action scenes.
Comentários