ni Madel Moratillo @News | July 25, 2023

Hindi puwedeng parusahan ang mga empleyadong hindi makakapasok sa trabaho dahil sa masamang panahon.
Ito ang nakasaad sa abiso ng Department of Labor and Employment kasunod ng banta ng Bagyong Egay na may posibilidad pang maging isang super typhoon.
Ayon sa DOLE, mabigat na kadahilanan ang masamang panahon sa hindi pagpasok sa trabaho lalo na kung malakas ang buhos ng ulan kaya hindi sila dapat patawan ng administrative sanction.
Ayon kay Labor Sec. Bienvenido Laguesma, puwedeng i-excuse sa trabaho ang empleyado na hindi papasok dahil sa bagyo.
Pero salig sa Labor Advisory ng DOLE, kung hindi papasok ang empleyado dahil sa masamang panahon hindi siya makakatanggap ng bayad o suweldo sa araw na iyon malibang may company policy o collective bargaining agreement.
Comments