ni Angela Fernando @Overseas News | Dec. 12, 2024
Photo: Donald Trump at Philippine Embassy - Sarah Meyssonnier / Pool / Reuters
Nangako ang Philippine Embassy at consuls general sa United States (US) na paiigtingin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng America upang masiguro ang kapakanan ng mga Pinoy na naninirahan doon, lalo na sa harap ng inaasahang pagbabago sa mga polisiya sa ilalim ng administrasyon ni President-elect Donald Trump.
Tiniyak sa isang pahayag nitong Huwebes na patuloy silang magbibigay ng mga serbisyong konsular sa mga Pilipino, anuman ang kanilang estado sa imigrasyon.
Magugunitang nagpulong ang mga opisyal nu'ng Disyembre 10 at 11 upang talakayin ang iba’t ibang isyu kaugnay ng mga regulasyong ipatutupad ng administrasyong Trump, partikular sa mga patakaran nito.
“The Heads of Posts understand the uncertainty felt by certain segments of the Filipino community in the United States following recent pronouncements by the incoming administration,” ayon sa kanilang pahayag.
Binigyang-diin din nila ang kanilang paninindigang patuloy na suportahan ang mga Pilipino habang nirerespeto pa rin ang mga batas sa US.
Comments