ni Eli San Miguel @Overseas News | Nov. 11, 2024
Photo: Elon Musk at Rick Scott / Circulated / Rick Scott socmed
Inendorso ng bilyonaryong si Elon Musk, na kaalyado ng President-elect na si Donald Trump, si Republican Sen. Rick Scott bilang majority leader ng Senado ng U.S. kamakailan.
"Rick Scott for Senate Majority Leader!" saad ni Musk sa isang post niya sa social media platform na X.
Magugunitang nag-iinit na ang labanan para sa nasabing posisyon matapos masungkit ng partido ni Trump ang kontrol sa Senado.
Inaasahang makakakuha ng hindi bababa sa 52 na puwesto ang mga Republican sa 100-miyembrong Senado matapos nilang makuha ang tatlong upuan na dating hawak ng mga Democrat sa West Virginia, Ohio, at Montana sa nakaraang eleksyon na ginanap nu'ng Martes.
Samantala, inihayag ni Mitch McConnell, kasalukuyang Senate Republican Leader, na nanguna sa kanyang partido sa Senado mula pa nu'ng 2007, na siya ay bababa sa posisyon pagkatapos ng eleksyon.
Comments