top of page
Search
BULGAR

Eleksiyon 2022, tuloy kahit may pandemya – Comelec

ni Lolet Abania | May 3, 2021




Tuloy ang nakatakdang 2022 presidential polls sa May 9, 2022 sa kabila ng COVID-19 pandemic, ayon sa Commission on Elections (Comelec).


Ito ang tiniyak ni Director at Comelec Spokesperson James Jimenez sa publiko kung saan isang taon at anim na araw na lamang ang nakaiskedyul na eleksiyon.


“We have started our countdown dahil alam natin na matutuloy ang halalan. Walang dahilan para hindi matuloy ang halalan,” ani Jimenez sa isang radio interview.


“We expect that we will hold the elections in the middle of the COVID-19 pandemic, that herd immunity is not yet assured at that point,” dagdag niya.


Naitala na mas mababa pa sa 1% ang populasyon ng mga fully vaccinated kontra-COVID-19 habang matatawag na mayroong herd immunity na ang bansa kapag umabot na ang nabakunahan sa tinatayang 70% ng kabuuang populasyon.


Gayunman, sinabi ni Jimenez na ang bilang ng mga precincts para sa 2022 polls ay nasa 110,000, mas marami kumpara sa 84,000 precincts na nagamit noong 2019 polls. Ito ay para maipatupad ang social distancing.


Bukod sa karagdagang precincts, ayon kay Jimenez, pinag-aaralan ng Comelec na palawakin ang absentee voting, kung saan papayagan ang mga indibidwal na bumoto bago ang election day, dahil limitado lamang noon ang pagboto na para sa mga tatakbo at kandidato sa national posts.


“Ang namumuro ngayon ay ang pag-expand ng absentee voting. This is a privilege given to government employees who perform election day service and to the members of the media, but we are looking at expanding it to vulnerable sectors such as those persons with disabilities and senior citizens,” paliwanag ni Jimenez.


“That way, we will be able to decongest the polling places and the task will be manageable,” sabi pa ni Jimenez.


Subali't ayon kay Jimenez, wala sa opsiyon ng Comelec ang pagsasagawa ng mail-in voting sa dahilang ang postal system ng bansa ay hindi pa modernized at hindi kakayanin nito na ipadala at matanggap ng mga botante ang mga ballots sa lahat ng sulok ng bansa sa oras o tamang panahon.


“Postal voting for overseas absentee voting has long been in place because it uses the postal system of the host country [where the OFW is]. But here [in our country], the modernization of our postal system is still in midway and we don’t see it done in time for the 2022 elections,” ani Jimenez.


Samantala, base sa records ng Comelec, tinatayang nasa 61 milyon ang registered voters para sa 2022 elections, subali't nilinaw ni Jimenez na maaaring nakasama pa sa kabuuang bilang na ito ang mga namatay na dahil sa COVID-19.


Nanawagan naman si Jimenez sa mga kaanak ng nasawi sa COVID-19 na i-report sa mga lokal na opisina ng Comelec sa kanilang lugar ang pagkamatay ng mga mahal nila sa buhay.


Aniya, dapat na ipaalam ng isang miyembro ng pamilya ang tungkol sa nasawi nilang kamag-anak, kung saan maaari silang magpunta sa Comelec office at magdala lamang ng identification card at ang death certificate ng kanilang kaanak.


“It used to be the role of the Office of the Civil Registrar to inform Comelec of these deaths, but I imagine they are also overwhelmed amid the pandemic that is why I am calling on the public to join our efforts in cleaning the voters’ list,” ani Jimenez.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page