ni Jasmin Joy Evangelista | November 10, 2021
Kahapon ay ginanap ang huling flag raising ceremony na dinaluhan ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar bago ito magretiro bilang hepe ng Philippine National Police.
Si Eleazar ay magreretiro na sa serbisyo sa darating na Sabado, November 13, 2021 sa pagsapit ng kaniyang 56th birthday na siyang mandatory age of retirement.
Sa talumpati ni PNP chief, isa-isa nitong pinasalamatan ang mga nagbigay-suporta sa kanyang administrasyon.
Nagpasalamat din siya sa buong police force sa mga ipinatupad nitong polisiya lalo na ang internal cleansing campaign.
Ipinagmalaki naman ng PNP chief na sa ilalim ng kanyang pamumuno ay nagawa nilang mapataas ang trust rating ng PNP.
Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi rin niya ang kanyang Final Monday Flag Ceremony as CPNP - Nov 8, 2021 na may caption na: “Inilunsad natin ang Internal Disciplinary Mechanism Information System (IDMIS). Nagkaroon din ng awarding ng scholarship para sa ilang PNP personnel sa ilalim ng PNP-BOC-ASoG Emerging Leaders fellowship Grant. Nagpapasalamat ulit tayo para sa League Magazine front cover. Nagkaroon din ng signing ng Deed of Donation at ceremonial turnover ng mga donasyon galing sa iba’t ibang stakeholders at blessing ng mga bagong patrol cars ng PNP. Maraming salamat po sa lahat ng tulong ninyo sa amin sa PNP.”
Ayon pa kay Eleazar, sa kanyang maikling panunungkulan, ang magandang maiiwan nito sa organisasyon ay ang pagtataas ng tiwala at kumpiyansa ng publiko sa kapulisan.
Comments