ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 15, 2021
Binakunahan na ng Sinovac COVID-19 vaccine si Philippine National Police Chief Police General Guillermo Lorenzo Eleazar ngayong Martes sa isinagawang ceremonial vaccination para sa mga pulis na sakop ng A4 priority group sa Camp Crame, Quezon City.
Ayon kay Eleazar, 500 doses ng Sinovac ang natanggap ng PNP. Ito raw ay ipamamahagi sa mga miyembro ng Command Group at senior police officers, pati na rin sa mga miyembro ng National Capital Region Police Office, Special Action Force, at Aviation Security Group.
Si Health Assistant Secretary Dr. Maria Francia Laxamana ang nagturok ng bakuna kay Eleazar.
Bago pa simulan ng pamahalaan ang pagbabakuna sa A4 category, nakatanggap na ng bakuna ang 18,320 police officers na mga health workers, senior citizens at persons with comorbidities, ayon kay Eleazar.
Aniya, "That is 8% of our strength but out of the 18,320, 63% diyan po is first and second dose na."
Nanawagan din si Eleazar sa publiko na ‘wag nang mag-alinlangang magpabakuna.
Aniya, "Hindi lang natin ito obligasyon sa ating bayan kung hindi obligasyon din sa ating mga sarili at sa ating mga pamilya."
Comments