top of page
Search
BULGAR

Ekonomiya, bagsak na, binabaon pa

@Editorial | September 09, 2021



Marami ang nawindang sa laban-bawing eksena sa community classification.


Umasa ang mga manggagawa at negosyante na sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) bagama’t may kasamang localized lockdown, ay muling makakabalik-hanapbuhay, pero biglang hindi tuloy.


Sinabayan pa ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.


Walang trabaho, sarado ang ekonomiya, paano na?


May iba na sagad na ang ipon at lubog na sa utang. Walang magawa lalo na ‘pag “no work, no pay” na manggagawa.


Hindi na talaga kakayanin ang malawakang lockdown, panahon na para bigyang-daan ang ibang paraan. Marami naman ang pabor sa granular lockdown, kung saan pipiliin lamang ang mga lugar na kailangang ilagay sa mahigpit na quarantine, bakit hindi pa gawin?


Kung sa iba ay mabilis na lumilipas ang isang linggo, sa mga halos walang-wala na ay sobrang tagal na nito at masasabing kalbaryo. Saan huhugot ng pera pambili ng makakain? Saan kukuha ng ibabayad sa parating na mga bayarin? Butas na butas na ang bulsa ng mahihirap. Umaaray na rin ang mga nakakaluwag-luwag sa buhay. ‘Ika nga, bagsak na ang ekonomiya, ibinabaon pa.


Kung wala namang pang-ayuda o malinaw na plano, tigilan na ang palpak na lockdown, hayaan nang kumayod ang taumbayan.


Siguro naman ay nauunawaan na natin ang kahalagahan ng pag-iingat at paglaban sa virus at anumang sakit. Huwag nating hintaying tuluyang mawala ang COVID-19, nand’yan na ‘yan, kailangan na nating lumaban. Palagi nating sinasabi ang ‘new normal’, bakit hindi pa natin sabayan?

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page