ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 3, 2022
Pumirma na ang TV host-actress na si Toni Gonzaga at asawang multi-awarded film director, scriptwriter and producer na si Paul Soriano ng kontrata sa Villar Group’s Advanced Media Broadcasting System Channel 2 (AMBS) nitong September 1, 2022.
Present sa contract signing si Mr. Manuel Paolo Villar ng Prime Asset Ventures para i-welcome ang mag-asawang Soriano sa Villar-owned TV network na ang commitment ay mag-provide ng "elevated viewing experience for the Filipino people".
“AMBS aims to redefine the broadcast media industry with quality TV programs and exciting entertainment shows that will focus on giving our viewers new TV experiences,” sabi ni Mr. Villar.
Kasama rin sa contract signing na ginanap sa Mella Hotel sa Las Piñas nu'ng Huwebes nang gabi ang AMBS president na si Ms. Maribeth Tolentino.
“We are happy about the partnership with Ms. Toni Gonzaga and Mr. Paul Soriano. Our team is raring to work with them to give our viewers awesome shows to always look forward to,” ayon sa AMBS president.
So, dadalhin pala ni Toni sa AMBS ang kanyang vlog na Toni Talks dahil ang pramis niya, mas in-depth and interesting talk show from her production ang mapapanood ng mga viewers.
Anyway, ang PAVI ay ang parent company ng AMBS, the premiere broadcast media station of the Villar Group that aims to provide the Filipino people relevant TV programs and the best entertainment shows in the country.
At bilang pasabog sa kanilang grand opening salvo na ang dinig namin ay this September na nga, muling ibabalik at mapapanood ang Wowowin game show ng paboritong TV host-comedian-singer-songwriter-actor and businessman ng mga Pinoy na walang iba kundi si Willie Revillame, na mas una nang pumirma ng kontrata sa AMBS.
Comments