ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| February 12, 2021
KATANUNGAN
1. Nanghihinayang ako sa relasyon namin ng ex-boyfriend ko. Wala kasi siyang trabaho, samantalang noon ko pa siya sinasabihan na magtrabaho para hindi siya napupulaan ng family ko. Pero matigas ang ulo niya at nanatiling istambay at umaasa sa mga magulang at kapatid niya.
2. Dumating ang point na nagtalo kami at nauwi ‘yun sa cool off at makalipas ang dalawang linggo, tuluyan na kaming nag-break. Ngayon, may work na siya, kaya lang, hindi permanente pero okey na ‘yun kaysa wala. Kaya ngayon ay nakikipagbalikan siya dahil may work na raw siya.
3. Naguguluhan ako kung dapat ko pa ba siya ng tanggapin, para kasing unti-unti nang nawawala ang feelings ko sa kanya. May bago akong manliligaw na mas okey kasama at may stable job pa.
4. Gusto kong malaman at linawin, Maestro, kung sino sa dalawang lalaking ito ang makakatuluyan ko at makakasama habambuhay?
KASAGUTAN
1. Malamang, ‘yung lalaking may stable job at ka-level mo o baka mas maayos pa sa iyo ang career ang iyong makakatuluyan. Ito ang nais sabihin ng kusang sumabay at nang lumaon ay sumama at nakiisa na rin sa Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) na Guhit ng isang Magaling na Lalaki na tinatawag ding Influence Line (Drawing A. at B. I-I arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.
2. Tanda na ang makakatuwang at makakasama mo sa pagbuo ng sariling pamilya ay ang lalaking nakapag-aral at may magandang career o medyo nakaluluwag sa buhay, na nangangahulugan ding posibleng ang manliligaw mo na ito sa kasalukuyan, ang guhit ng Influence Line na ito (arrow b.) na sumama sa Fate Line (arrow a.).
3. Ang pag-aanalisang susuwertehin ka sa ikalawang pakikipagrelasyon ay madali namang kinumpirma ng lagda mong nagkabilog sa simula, ngunit unti-unting naayos at gumanda sa gitna hanggang sa dulong bahagi ng iyong pirma.
4. Ibig sabihin, pagtuntong mo ng edad 25 pataas, sa taong kasalukuyan, paganda nang paganda ang iyong buhay, lalo na sa aspetong career at pakikipagrelasyon. At tulad ng nasabi na, ito ay magaganap kapag tuluyan mong sinagot ang manliligaw mong may stable job na humigit-kumulang ay nagtataglay ng zodiac sign na Capricorn.
MGA DAPAT GAWIN
1. Jheng, kung namumroblema ka man ngayon sa pag-ibig, lilipas din ‘yan dahil sa panahon ding ito, unti-unti na kayong magkakaigihan ng kasalukuyan mong manliligaw na may stable job. Kagaya ng nasabi na, tulad mo rin siya, edukado, tapos ng pag-aaral at may magandang career.
2. Dagdag pa rito, ayon sa iyong mga datos, ang lalaking ito na ang nakatakda mong makatuluyan at makasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya, na nakatakdang mangyari sa 2023, sa edad mong 28 pataas (Drawing A. at B. 2-M arrow c.).
Comments