ni Lolet Abania | July 13, 2022
Bubuksan na sa mga motorista ang EDSA-Kamuning flyover southbound lane sa Quezon City sa Hulyo 23 ng alas-5:00 ng hapon, ayon sa Department of Public and Works and Highways (DPWH) ngayong Miyerkules.
Sa isang press briefing, sinabi ni DPWH-NCR District Engineer Eduardo Santos na kanilang tatapusin ang rehabilitasyon ng nasabing flyover ng “mas maaga sa iskedyul.”
“We are planning to open the EDSA-Kamuning flyover to the transporting public on July 23 at 5 p.m.,” pahayag ni Santos.
“As of now, tapos na namin halos lahat ng layer structures and bigger structures. ‘Yung approach na lang sa down rack sa Nepa Q. side na dalawang lane ang ginagawa namin,” dagdag niya.
Matatandaan noong Hunyo 25, isinara ang flyover sa mga motorista para i-repair ang mga bitak o crack at mga butas sa naturang istraktura.
Una nang sinabi ni Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Atty. Romando Artes na kakailanganin ng 30-meter stretch ng flyover ng 30 araw para ito maisaayos.
Ayon din kay Artes, tinatayang 140,000 sasakyan ang gumagamit ng EDSA-Kamuning flyover araw-araw.
Comentarios