top of page

Eddie Ilarde, sumakabilang-buhay sa edad 85

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 5, 2020
  • 1 min read

ni Lolet Abania | August 5, 2020




Sumakabilang-buhay na ang dating senador at broadcaster, anchor na si Eddie Ilarde sa edad na 85.


Sa Facebook post ng anak niyang si Liza, namatay ang ama tatlong linggo bago ang kaarawan nito sa August 25 dahil sa “natural causes” o katandaan at hindi sanhi ng coronavirus disease.


Gayundin, dahil sa kasalukuyang lockdown at muling pasasailalim sa MECQ ng Metro Manila, minabuti ng pamilya na hindi na iburol si Kuya Eddie.


“Our dad lived a full and meaningful life. He started from very humble beginnings and worked very hard to reach his stature,” sabi ni Liza.


Nakilala si Kuya Eddie noong 1950 bilang radio host, na may programang “Kahapon Lamang,” “Dear Kuya Eddie” at “Napakasakit Kuya Eddie.” Naging host din siya ng “Student Canteen” sa radio na kalaunan naging show ito sa telebisyon.


Naglingkod si Kuya Eddie bilang councilor ng Pasay City, congressman ng Rizal at senador ng bansa. Naging assemblyman ng Interim Batasang Pambansa sa panahon ni Ferdinand Marcos presidency noong 1984.


“He also championed our senior citizens with his Golden Eagles Society,” sabi pa ni Liza.

Dios Mabalos, Kuya Eddie!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page