ni Lolet Abania | November 27, 2022
Pinag-aaralan na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang posibilidad na i-grant sa mga matatandang persons deprived of liberty (PDLs) na edad 70 at pataas ang isang executive clemency bilang bahagi ng programa na i-decongest o mabawasan ang sikip ng kanilang mga kulungan.
Sa isang radio interview ngayong Linggo, sinabi ni BuCor officer-in-charge General Gregorio Catapang Jr. na ang katulad na programa ay pinayagan na rin noon sa panahon ng termino ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
“Under the law daw, panahon ni President GMA, may batas siya o executive order na inisyu na lahat ng 70 years old up ay [bigyan] na ng parole o palayain na kahit papa’no kasi sabi nila, 70 years old, hindi na makakaisip ‘yan gumawa ng krimen,” pahayag ni Catapang.
“‘Yan, pinag-aaralan din namin para ma-decongest din ang BuCor,” dagdag niya. Una nang sinabi ni Department of Justice (DOJ) spokesperson Mico Clavano, na prayoridad ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla ang pagsasagawa ng decongestion ng mga kulungan sa ilalim ng BuCor, kung saan lumabas na ang New Bilibid Prison (NBP) ay mayroong congestion rate ng 300%.
Ayon pa kay Clavano, pinag-iisipan na ni Remulla na i-tranfer ang maximum security ng NBP sa Sablayan Prison sa Occidental Mindoro habang ang minimum security ay sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija.
Sinabi naman ni Catapang na mahigit sa 1,500 elderly PDLs ay maaaring ilipat na sa facility sa Fort Magsaysay. “Mayroon tayong rehab sa Fort Magsaysay na hindi naman nadalhan ng mga ano… May dalawang bay daw doon, siguro saan kasya na mga 1,000 to 1,500 bawat bay.
Ang utos ni Secretary Remulla naman diyan, dalhin doon ang matatanda na... ‘Yung naghihintay na lang ng laya,” sabi ni Catapang. Base sa resolution ng Board of Pardons and Parole (BPP), “PDLs who are eligible for parole or executive clemency are those who are 65 years old and above; those who have served at least five years of their sentence; or those whose continued imprisonment is inimical to their health, as recommended by a physician of the BuCor Hospital and certified by the Department of Health or designated by the Malacañang Clinic Director.”
Gayunman, ayon pa rito, ang mga PDLs na convicted naman sa heinous crimes o illegal drugs-related offenses, o iba pa na iklinasipika ng BuCor bilang “high-risk,” ay hindi dapat maging eligible para sa executive clemency.
Comments