ni Ronalyn Seminiano Reonico | October 12, 2020
Inirerekomenda ng Metro Manila Council (MMC) sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang age restriction adjustment ng mga maaaring lumabas ng bahay sa Metro Manila na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) kung saan mula sa mga edad-21 hanggang 60 ay papayagan na ring lumabas ang mga edad-18 hanggang 65.
Ayon kay MMC Chairman Edwin Olivarez nitong Lunes, napagkasunduan din ng mga mayor sa Metro Manila na ibaba pa rin ang curfew hours na10 PM hanggang 5 AM kung saan exempted ang mga manggagawa at authorized persons.
Aniya, “Sa pag-uusap po namin noong huli, ang amin pong consensus ay i-maintain ‘yung curfew na 10 PM to 5 AM. Pero magkakaroon po kami ng recommendation doon po sa adjustment noong ating mga persons to go out.
“Kasi ngayon po, ‘yung ating persons to go out, ang edad nu’n is 21 to 60. Ang aming recommendation is baka puwedeng gawing 18 to 65 na po ‘yung mga tao na puwedeng lumabas ng kanilang tahanan.”
Comentários