top of page
Search
BULGAR

Edad 12 to 15, oks nang turukan ng Pfizer vaccine

ni Lolet Abania | June 8, 2021



Pinalawak na ang ibinigay na emergency use authorization (EUA) sa Pfizer na sasakop sa indibidwal na puwedeng mabakunahan ng COVID-19 vaccine.


Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, binigyan ng EUA ang Pfizer para magamit ang bakuna sa mga edad 12 at pataas.


“While we welcome more vaccines that are approved for children and adolescents, due to limited vaccine supply, our vaccination strategy remains the same -- prioritize the vulnerable and adhere to our prioritization framework,” ani Vergeire.


“The general consensus of our vaccine experts is to revisit pediatric and adolescent vaccination once our vaccine supply has stabilized,” dagdag niya.


Sa isang report, inamyendahan ng Food and Drug Administration ang EUA na kanilang inaprubahan para sa Pfizer-BioNTech's vaccine upang maabot nito ang mga nasa edad 12 hanggang 15.


Nakasaad sa kopya ng Pfizer EUA sa FDA website na, “Amendment to include minors was issued on May 28.”


Una rito, inaprubahan ang Pfizer jab para gamitin sa mga indibidwal na nasa 16-anyos at pataas.


Matatandaang sinabi ni FDA Director General Eric Domingo na ang mga eksperto ay nagbigay ng “very favorable” o napakakanais-nais na rekomendasyon para sa paggamit ng Pfrizer vaccine sa mga menor-de-edad.


Noong March, ayon sa American pharmaceutical giant, nagpakita ang vaccine ng 100% efficacy laban sa COVID-19 sa mga adolescents na may edad 12 hanggang 15. Inihayag din ng Malacañang na ang mga Filipino teen-agers ay mababakunahan ng Pfizer vaccine kapag dumating na ang mga supplies nito.


Inaasahan namang mabibigyan ng 40 milyong doses mula sa nasabing kumpanya ang bansa ngayong taon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page