ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 22, 2021
Niluwagan na ng pamahalaan ang age restrictions sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) kung saan maaari nang lumabas ang mga edad-10 hanggang 65 simula sa February 1, ayon sa Malacañang.
Pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, “ Sa MGCQ, ano po ‘yung inaprubahan? Pupuwede na pong lumabas ang mga bata na may edad 10 hanggang senior citizens na hanggang 65 years old.
“Uulitin ko po, ‘yung 10 to 65 ay pupuwede na pong lumabas sa mga MGCQ areas or at least na-relax ‘yung kanilang pagbabawal sa paglabas, ‘no? “Pero ibig sabihin po nito, ‘yung mga bata na may edad na mas bata pa sa 10 at ‘yung mga seniors na mas matanda pa sa 65 ay dapat stay home pa rin po.”
Aniya pa, “‘Yung mga lokal na pamahalan naman po sa mga lugar na GCQ o general community quarantine, eh, hinihikayat po natin na sana po, payagan na ring lumabas ‘yung 10 to 65 pero desisyon pa rin po 'yan ng mga lokal na pamahalaan.”
Comments