ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Nov. 7, 2024
Noong Huwebes ay naging saksi ang inyong lingkod sa paglagda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Republic Act no. 12063 na mas kilala bilang Enterprise-Based Education and Training (EBET) Framework Act.
Layon ng batas na ito na tugunan ang problema sa job-skills mismatch, underemployment, at unemployment sa bansa.
Ang nasabing batas ay kabilang sa priority measures ng administrasyon upang mas palawakin pa ang training opportunities para sa mga indibidwal na nais matuto o i-develop ang kanilang kakayahan.
Sa tulong ng batas na ito, magkakaroon tayo ng resilient at globally competitive na Filipino workforce na kayang sumabay sa nagbabagong labor market.
☻☻☻
Nakaayon ang EBET Framework Act sa mga hakbang ng pamahalaan upang palakasin, i-rationalize at pagsamahin ang iba’t ibang enterprise-based training modalities sa iisang framework upang matugunan ang job-skills mismatch.
Sa ilalim nito, isusulong ang pagtutulungan ng gobyerno, stakeholders, at pribadong sektor sa technical-vocational education at enterprise-based training programs.
Itataas din ang tax incentives para sa mga negosyong mag-aalok ng General EBET On-the-Job Trainings, Apprenticeships, at Upskilling.
☻☻☻
Magandang balita ang pagsasabatas ng EBET Act.
Buo ang suporta natin sa pagpapalakas ng ating labor force at ang batas na ito ay isang mahalagang hakbang tungo rito.
Umaasa tayo na makatutulong ito upang mas humusay ang mga manggagawang Pilipino sa pamamagitan ng mga training programs na hatid ng nasabing batas.
☻☻☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice!
FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Comments