ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 15, 2023
Hindi na nagulat ang mga netizens nang tanggapin ni Isko Moreno ang offer ng TAPE, Inc. na maging isa sa mga hosts ng bagong Eat… Bulaga! kasama sina Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, Mavy at Cassy Legaspi.
Gustung-gusto raw ni Isko na magkaroon ng malaking exposure sa nasabing noontime show. Bentahe ito para sa kanya dahil muli siyang magiging popular kapag araw-araw na napapanood sa telebisyon.
Ganunpaman, todo-deny si Isko sa akusasyon ng mga bashers na gagamitin lang niya ang bagong EB! para sa kanyang political career.
In fact, wala na raw siyang balak pa na muling sumabak sa pulitika sa susunod na eleksiyon. Kaya raw niya tinanggap ang offer ng TAPE, Inc. ay dahil naaaliw siya at nag-e-enjoy sa pagho-host ng nasabing noontime show.
Bukod pa ru’n, na-miss din daw ni Isko ang mga ginagawa niya noon sa That’s Entertainment kaya game na game siya sa mga ibinigay na segments sa kanya ng bagong EB!.
Comments