top of page
Search
BULGAR

EAT BULAGA! NG TVJ SA TV5, IT'S SHOWTIME SA GMA-7

ni Julie Bonifacio @Winner | June 11, 2023




Patuloy ang balita ng rigodon ng mga noontime shows sa telebisyon. Pagkatapos layasan nina Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon ang dati nilang programang Eat…Bulaga! sa GMA-7, hayan at nababalitang ang It’s Showtime ng ABS-CBN Entertainment naman ang ookupa sa dating timeslot ng TAPE, Inc. produced program sa Kapuso Network.


But of course, isa lang ‘yan sa maraming speculations na lumulutang sa gitna ng kontrobersiyang paglipat ng TVJ sa TV5.


At kaya naging kontrobersiyal, kasi nga, humahataw pa ang It’s Showtime sa TV5, pati na sa A2Z Channel 11, iWantTFC, TFC, Kapamilya Online Live at Kapamilya Channel, tapos ay balitang biglang maeetsapuwera na sa pagpasok ng TVJ sa Singko.


Sa recent episode ng It’s Showtime ay nagulat ang madlang pipol nu’ng mag-finger heart sign ang mga hosts ng Kapamilya noontime show na sina Vice Ganda at Anne Curtis. Tapos, kinanta pa ni Vice ang jingle ng Kapuso Network.


Dahil dito, mabilis kumalat ang espekulasyon ng paglipat ng It’s Showtime sa GMA-7.


“Vice Ganda and Anne Curtis flexing the heart sign. Kapuso."


“Plot twist ng taon."


“Kung susugal ang GMA sa TAPE, aabutin pa 'yan ng taon bago makabawi. Maaapektuhan ang ibang shows at stocks nila. If kukunin nila ang It's Showtime, sure win.”


Sa true lang, may posibilidad na mapanood ang It’s Showtime sa GMA-7.


Una, may mga pag-uusap nang nagaganap between GMA-7 at ABS-CBN Entertainment para sa ilang programa pati na sa pelikula. Pangalawa, magtatapos na ang kontrata ng It’s Showtime sa TV5 on June 30. Pangatlo, kung nagawang makipag-back-to-back ng It’s Showtime sa Lunch Out Loud, keri rin nilang gawin ito sa Eat… Bulaga! sa Kapuso Network.


Magandang pre-programming ang It’s Showtime sa Eat… Bulaga! and vice-versa.

Kumbaga, walang tapon ang pananghalian ng mga televiewers.


Papayag ba ang mga Jalosjos na major shareholder ng TAPE, Inc. at siyang may-ari ng Eat… Bulaga!? Why not, kung makakatulong sa show nila, ‘di ba?


At ang mas matindi, puwede ring “pambuwisit” lang sa TVJ na iniwan ang mga Jalosjos sa ere.


“Ang weird lang siguro kung simultaneously, mag-e-air siya on rival networks but the positive changes are always welcome!” komento ng isang netizen.


Tamah! Learn to accept change dahil bahagi ng buhay ‘yan!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page