top of page
Search
BULGAR

E-Sports, may tsansa at ibinilang sa Vietnam SEAG

ni Gerard Peter - @Sports | November 24, 2020




Kasunod ng muling pagkakabilang ng bagong sports ng kabataan na Electronic Sports (E-Sports) sa ikalawang sunod na pagkakataon sa darating na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam simula Nobyembre 21-Disyembre 2, makaka-asa ang Pilipinas na pipilitin ng bubuuing national team na maipagtanggol ang kampeonato sa susunod na edisyon.


Lubos ang kaligayahang nararamdaman ng pamunuan ng Philippine Electronic Sports Organization (PESO) sa pagbibigay ng basbas sa kanilang pampalakasan na maisama sa listahan ng 40 sports sa Vietnam Games. Hindi nabigo ang kanilang grupo na muling makabalik sa biennial meet matapos mag-debut noong 2019 SEAG sa bansa, kung saan nakopo nito ang 3 gold at tig-isang silver at bronze medals para makamit ang overall title.


Nitong nagdaang linggo sa ginanap na Southeast Asian Games Federation (SEAGF) Council meeting sa pamamagitan ng online virtual ay pormal ng nakasama ang E-Sports, kabilang ang Triathlon, Tenpin Bowling at Jiujitsu sa 36 sports iba pa, habang pag-uusapan pa kung maisasama ang Indoor Hockey at Water Polo sa Vietnam meet.


Aminado si PESO interim secretary-general Joebert Yu na malaking tulong ang ginawa ng counterpart nilang Vietnam Recreational and Electronic Sports Association (VIRESA) para kumbinsihin ang Vietnam Organizing Committee, katulong ang pagsang-ayon ng 10 miyembrong bansa para muling maibalik ang E-Sports sa regional multi-sport event.


On behalf of PESO, we would like to thank the Vietnam SEA Games Organizing Committee and the whole SEAGF members for deciding to include electronic sports as one of the official (40) forty sports that will be competed at the 31st Southeast Asian (SEA) Games hosted by Vietnam next year on November 21 to December 2,” pahayag ni Yu sa panayam ng Bulgar sa online interview. “With PESO, together with the guidance of the Philippine Olympic Committee (POC), we will make sure that the Philippines will field in the best possible players / teams that will compete against other SEA nations and help defend its overall SEA Games championship,” dagdag ni Yu, na siya ring pinuno ng E-Sports National Association of the Philippines (ESNAP).

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page