top of page
Search
BULGAR

E-Sports at Jiu-jitsu, asam na manaig muli sa overall title sa 31st SEAG

ni Gerard Peter - @Sports | October 21, 2020




Susubukang mapatunayan ng dalawa sa apat na pampalakasan na nabigyan ng pagkakataong maidagdag sa listahan ng mga 40 sports events sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam na kakayanin nilang maipagtanggol ang kanilang kampeonato, gayundin ang makapag-ambag sa pagnanais na masungkit ang ikalawang sunod na overall title sa biennial meet.


Aminado si Philippine E-Sports Organization (PESO) interim Secretary-General Joebert Yu na hindi magiging madali ang kanilang pagdaraanan sa susunod na edisyon ng SEAG sa Vietnam dahil magdedepende pa umano ito sa gustong mga events na ipalagay ng host country, matapos ihayag ng SEAG Federation Council ang pagkakasama ng E-Sports, Jiu-jitsu, Bowling at Triathlon sa 36 sports na naunang pagdesisyunang laruin sa Vietnam Games.


Gayunpaman, lubos-lubos ang kaligayahan ng kanilang samahan na muling nakabalik ang ‘bagong laro’ ng mga kabataan sa Vietnam Games, kasunod ng pagkakakuha nila ng Associate member sa Philippine Olympic Committee (POC).


We’re very excited and happy. Sino bang hindi matutuwa na mapasama sports mo, knowing na maraming gustong makapasok na sports. Hopefully na we can help defend the overall medal tally,” pahayag ni Yu sa panayam ng Bulgar Sports sa telepono.


Inaasahan na ni Yu, na siya ring pinuno ng E-Sports National Association of the Philippines (ESNAP) na ilalagay ng host country ang mga events na malakas ang Vietnam gaya ng Pro Evolution Soccer at Arena of Valor, habang kasama ang Dota 2, kung saan nagkampeon ang 'Pinas sa 30th edisyon sa bansa noong isang taon at nakakuha ng bronze medal ang Vietnam, sa mga 3-out-of-6 na mga laro sa Hanoi meet na nakatakdang buksan simula Nobyembre 22-Disyembre 2, 2021.


Idinagdag pa nito na mababa ang tsansa na muling makabalik ang larong Tekken 7, habang hindi pa rin sigurado kung kasama ang pinaka-hihiligan ng mga Pinoy na Mobile Legends: Bang Bang (MLBB). Nakuha ng koponan ang top spot sa Manila meet sa mga ginto sa Dota 2, Starcraft II at MLBB, gayundin ang tiga-isang silver at bronze sa Tekken 7. “Regardless kung anong ilagay nila, we will make sure na may representatives tayo. We’re going to try in helping our country win again that top spot in the medal tally and hopefully the overall title,” paliwanag ni Yu.


Nagbunga naman ang panunuyo ng Vietnam Jiu-jitsu Federation (VJF) upang makumbinseng maisamang muli ang kanilang sports sa SEA Games, ayon kay Jiu-jitsu Federation of the Philippines (JJFP) secretary-general Ferdinand Vergara Agustin.


Minsan na umanong nagsagawa ng isang torneo na nilahukan ng maraming jiu-jitsu clubs sa Vietnam sa kompetisyon na Vietnam Jiu-jitsu National Championship noong nakalipas na Hulyo 15-20 na ginanap sa Thu Dau Mot, capital city ng Binh Duong Province.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page