ni Jasmin Joy Evangelista | December 7, 2021
Nasa kabuuang 164 party-list groups ang kabilang sa e-raffle upang malaman ang pagkakasunod-sunod ng mga ito sa balota para sa May 2022 polls.
Isasagawa ito sa pamamagitan ng virtual raffle sa Commission on Elections (Comelec) Session Hall sa 8th floor ng Palacio del Gobernador sa Disyembre 10, 2021.
Batay sa datos, 152 grupo na ang aprubado habang 12 naman ang pending pa.
Nasa 107 grupo naman ang na-deny kabilang ang 1-Abante Masang Pinoy Aasenso, Batang Pinoy, Ayuda sa may Kapansanan, Coalition of Concerned Workers, LGBTQ Plus, Organisasyong Nagsusulong ng Libreng Internet Ngayon sa Edukasyon, and Values Voice Philippines.
Sa inilabas na COMELEC resolution, limitado lamang sa isa kada party-list group, organization o coalition, citizens’ arms, at media organizations ang papayagang mapabilang ng online raffle. Walang representative na papayagan sa physical venue.
“Those with pending incidents, participation in the raffle is without prejudice to the resolution of pending incidents and the exclusion on the official ballot, if applicable,” pahayag ng Comelec.
Ang final listing ay ipa-publish sa dalawang pahayagan at sa official website 15 araw matapos ang raffle.
Samantala, sa oras na maitakda na ang puwesto sa balota ng mga party-list ay wala nang magiging re-raffle.
Comments