ni VA @Sports | April 3, 2023
Dahil sa patuloy na pagyabong ng gaming industry sa buong mundo, may isang bagong national esports tournament na nalikha.
Inorganisa ng ILO Esports sa pakikipagtulungan ng National Youth Commission, nabuo ang E-Palarong Pambansa na dinisenyo gaya ng taunang multi-sport event na Palarong Pambansa kung saan nagtutunggali ang atletang mag-aaral na kumakatawan sa iba't-ibang rehiyon ng bansa.
"Modeled after the Palarong Pambansa which is mandated to be conducted annually, the E-Palarong Pambansa is a multi esports tournament platform where we will enjoin the SK through the National Youth Commission and we'll have several games from May to July," pahayag ni E-Palarong Pambansa project lead Jamar Montehermoso.
Naging matagumpay ang Pilipinas sa gaming sa mga nagdaang taon partikular sa Mobile Legends: Bang Bang kung saan ang Pinoy ang defending champion sa world championship at Southeast Asian Games.
Plano ng E-Palarong Pambansa na gawing pundasyon ang nasabing tagumpay upang matulungan ang mga kabataan sa pagpapaunlad ng kanilang sarili bilang mga makabayan.
"This event's goal is to provide a platform to every e-sports fan nationwide and establish a network of Filipino e-sports organization," ayon pa kay Montehermoso. "It is our goal to create a stable and sustainable grassroots esports ecosystems to promote esports as a supplementary part of a holistic development of the Filipino youth," dagdag nito.
Tampok sa E-Palarong Pambansa ang limang laro na kinabibilangan ng tatlong mobile games at dalawang PC games na aalamin sa pamamagitan ng botohan na magsisimula ngayong Abril 3.
Bukod sa torneo, magsasagawa rin ang E-Palarong Pambansa ng paghahanap ng mga shoutcasters na siyang magbibigay ng 'live commentary' at 'in-depth analysis' ng mga laro.
paano po sumali sa mobile legend?