ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | December 9, 2020
Hello, Bulgarians! Kamakailan ay isinagawa ang kauna-unahang virtual press launches ng Suyomano, isang online learning platform na nagtataguyod sa kultura ng Filipino.
Ang Suyomano ay nagsimula noong Agosto 2020 ni Mary Lou Cunanan. Ito ay mula sa salitang “suyo” na ang ibig sabihin ay gentle affection at “mano” na ang ibig sabihin ay pagmamano sa nakatatanda. Ito rin ay binubuo nina Aames Aguas, Xerxes Itao, Jackielyn Hunio, Catherine Sy Luib at Emmanuel Damian na mga naniniwala sa preservation ng Philippine culture gamit ang digital education.
Bilang selebrasyon ng Filipino Heritage sa buwan ng Oktubre, nakipagtulungan ang Suyomano sa PG&E Samahan sa San Francisco, California at Galing Foundation sa Atlanta, Georgia upang magsagawa ng Filipino cultural classes. Karamihan sa mga kasali rito ang Filipino-Americans na gustong pagyamanin ang kanilang kaalaman sa Filipino heritage.
Bukod pa rito, kasama rin sa selebrasyon ang manila Heritage Foundation sa San Francisco, San Diego’s Filipino Food Movement, Filipino Cinema at Philippine Consulate sa Hawaii.
Samantala, sa Pilipinas, nagsagawa ang Suyomano ng Bayanihan campaign upang masuportahan ang turismo ng Pilipinas sa panahon ng pandemya. Pumirma na rin ang Suyomano ng isang agreement sa Intramuros Administration upang magkaroon ng virtual tour sa Old Manila.
Alok ng Suyomano ang ilang cultural learning experiences tulad ng local language series mula ancient scriptwriting hanggang traditional martial arts at indigenous tribal cultures. Ang mga ito ay pangungunahan nina filmmaker Benito Bautista, T’boli artist Lyn Lambago at Filipino branding maven Corinne Romabiles. Ang lahat ng malilikom sa online class na ito ay ibibigay sa T’boli tribal house.
Ngayong darating na Kapaskuhan, magsasagawa ang Suyomano ng mga klase patungkol sa turismo ng Pilipinas, Christmas tradition at bagong Filipino language series. Ito ay pangungunahan nina Chef Trisha Ocampo, isang alumna ng illustrious Le Cordon Bleu at ilan pang keynote speakers.
Para sa iba pang impormasyon, maaariing bisitahin ang kanilang website sa www.suyomano.com o ang kanilang social media accounts sa – Facebook- https://www.facebook.com/Suyomano/ at Instagram- https://www.instagram.com/suyomano/
Comments