ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 3, 2023
![](https://static.wixstatic.com/media/1ae136_87595b10eba743a7ab329c559ac2431d~mv2.jpg/v1/fill/w_980,h_587,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_auto/1ae136_87595b10eba743a7ab329c559ac2431d~mv2.jpg)
Inuudyukan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga Pilipinong bumabiyahe mula sa ibang bansa na gamitin ang electronic gates (e-gates) sa mga internasyonal na paliparan para sa mas mabilis na pagproseso.
Ayon sa BI, makababawas sa tagal ng pagproseso ang e-gates mula 45 segundo hanggang sa walong segundo lamang.
Ipinahayag na may kabuuang 32,045 pasahero na dumating noong Oktubre 31 ngunit 5,210 lamang ang gumamit ng 21 e-gates na makikita sa iba't ibang paliparan.
“Departures significantly increased before Undas, and we project that arrivals will rise in the next few days after the long holiday,”sabi ni Commissioner Norman Tansingco.
Nag-anunsyo ang BI dahil sa inaasahan na mas maraming pagdating at pag-alis ng mga pasahero sa mga itinuturing na travel peak months ngayong Nobyembre at Disyembre.
Plano ng BI na magtayo pa ng mas maraming e-gates at balak na palitan ang 50 porsyento ng kanilang mga manual operation sa taong 2026.
Kalaunan, ipinaliwanag ni BI Spokesperson Dana Krizia M. Sandoval, "an e-gate is an electronic booth that captures the passport and biometric details of passengers."
Comments