ni Jersy Sanchez - @No Problem | March 9, 2021
Sa dinami-rami ng single sa mundo, bakit wala ka pang dyowa? Char! Ha-ha-ha!
Kidding aside, for sure, marami r’yan ang ‘ika nga, dyowang-dyowa dahil siguro, sawa nang maging mag-isa o ‘yung iba naman, gusto lang talaga ng makakasama.
Pero mga besh, hindi sapat na dahilan ang pagiging atat magka-dyowa para pumatol na lang sa kung sino, ha? Siyempre, mahalagang kilala n’yo ang isa’t isa at dapat ay nagkakasundo kayo sa mga bagay-bagay.
Kaya para sa mga ka-BULGAR natin d’yan na sawa na sa single life, narito ang ilang bagay na dapat n’yong tandaan bago mag-dyowa:
GOOD MANNERS. Sino ba namang may ayaw ng good manners, ‘di ba? Kung gusto mong magka-dyowa, kailangan marunong kang rumespeto sa ibang tao mula sa kanyang political at religious beliefs hanggang sa kanyang mga hilig at desisyon. Isa ito sa mga unang hakbang para ma-establish ang iyong imahe sa iyong potential partner.
SIGURADUHING HANDA MAKIPAGRELASYON. Hindi madali ang pagkakaroon ng boyfriend o girlfriend. Siguraduhin mong handa ka sa papasukin mong commitment para iwas-heartbreak. Siguraduhin mong naka-move on ka na sa past relationship mo para makapag-commit ka nang buo sa iyong makakarelasyon. Mahirap kasi ‘yung in love siya sa iyo, pero ikaw ay may feelings pa sa iba. ‘Wag selfish, besh!
MAHALIN ANG SARILI. ‘Ika nga, paano ka magbibigay ng pagmamahal sa iba kung hindi mo mahal ang iyong sarili? Beshy, bago pumasok sa relasyon, make sure na mahal mo ang iyong sarili para alam mo ang iyong “worth”, gayundin ang mga bagay na deserve mo sa isang relasyon.
‘WAG MARUPOK. Bagama’t nakakatawa ang term na “marupok”, sa true lang, hindi ito magandang maging ugali, lalo na kung tungkol sa pakikipagrelasyon. Tandaan na hindi lahat ng nagpapakita ng motibo ay seryoso. ‘Yung tipong, naging sweet lang sa ‘yo nang isang beses, mahal mo na agad. ‘Wag ganu’n, besh! Kilalaning mabuti ang tao o sinumang lumalapit sa iyo para alam mo kung ano ang pinasok mo.
Mga besh, hindi natin dapat madaliin ang pagkakaroon ng boyfriend o girlfriend. ‘Di ba, sabi nga nila, ang mga bagay na mabilis nating nakukuha o natatanggap ay mabilis ding nawawala? Hmmm… applicable rin kaya ito sa love life?
Well, para iwas-heartbreak at ‘yes’ to strong relationships, ‘wag n’yong kalimutan ang tips na ito sa oras na maging handa kayo sa pakikipagrelasyon. Keri? Good luck!
Comments