ni Clyde Mariano / Gerard Arce @Sports | March 4, 2024
Sumandal ang Terrafirma sa mainit na opensiba sa fourth quarter para walisin ang 13 points lamang sa second quarter at tinalo ang NLEX, 99-95 para sumosyo sa Blackwater sa pamumuno sa kartadang 2-0 sa Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum kahapon.
Nagsanib-puwersa sina Juami Tiongson, Javier Gomez de Liano, Stephen Jeffrey Holt, at John Paul Calvo na nagsumite ng pinagsamang 72 points at iposte ang pangalawang sunod na panalo ayon kay coach Johnedel Cardel na ngayon lang nangyari sa six years ng coaching career na nanalo ang Terrafirma ng dalawang sunod na panalo.
Samantala, nasilayan na ang pinagsamang husay at ganda ni Adamson University Lady Falcons spiker Barbie Jamili na pinangunahan ang ikalawang panalo laban sa dismayadong University of the East Lady Warriors na nagtapos sa 25-19, 25-19, 26-28, 29-27, sa unang laro ng 86th UAAP women’s volleyball tournament, kahapon sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Nagpamalas ng kakaibang laro ang inaabangan ng madla na si Jamili na kumana ng double-double performance sa kabuuang 20 puntos mula sa 18 atake at dalawang blocks, kasama ang 12 excellent digs at anim na receptions tungo sa 2-2 kartada ng last season bronze medalists para sa solong ika-limang pwesto.
Samantala, sinuspinde ng UAAP Board si coach Jerry Yee sa kabuuan ng women’s volleyball season dahil umano sa pakikibahagi sa mga gawaing hindi naaayon sa mga layunin ng liga.
Napagdesisyunan ng UAAP Board of Managing Directors na pagbawalang makapasok sa mga laro ng UE, subalit pinapayagang sanayin ang koponan at pinapayagan lamang magabayan ito sa ibang liga. Inihayag ng BMD na nagkaroon ng reklamo kay Yee ang isang miyembro ng UAAP na sinabing nagkaroon ito ng, “acts inconsistent with the league’s objectives…”
Comments