ni Thea Janica Teh | August 11, 2020
Nakakita ng mala-“ocean world” sa Ceres, isang largest object sa asteroid belt sa pagitan ng Mars at Jupiter. Ito ay may malaking reservoir ng salty water sa ilalim ng frigid surface, ayon sa mga scientist.
Inilabas ng research noong Lunes ang data na galing sa Dawn spacecraft ng NASA na lumipad malapit sa surface ng halos 22 miles noong 2018 na nakapagtala ng bagong understanding sa Ceres. Ito ay nakakuha ng ebidensiya na ang Ceres ay may geologically active with cryovolcanism o volcanoes na may oozing icy material.
Nakumpirma rito na mayroong subsurface reservoir ng brine o salt-enriched water at subsurface ng isang nagyeyelong ocean.
"This elevates Ceres to 'ocean world' status, noting that this category does not require the ocean to be global. In the case of Ceres, we know the liquid reservoir is regional scale but we cannot tell for sure that it is global. However, what matters most is that there is liquid on a large scale,” sabi ni planetary scientist at Dawn principal investigator Carol Raymond.
Ang Ceres ay may diameter na 590 miles (950 km). Naka-focus ang mga scientist sa 57-mile-wide Occator Crater kung saan nabuo dahil sa impact noong 22 million years ago sa northern hemisphere ng Ceres. Mayroon itong dalawang bright areas o salt crust na iniwan ng liquid na nag-evaporate.
Ang tubig ay isa sa mga susi ng pamumuhay. Kaya naman gustong ma-assess ng mga scientist ang Ceres kung ito ay habitable ng microbial life.
Ayon kay planetary scientist Julie Castillo ng Jet Propulsion Laboratory ng NASA, “there is major interest at this stage in quantifying the habitability potential of the deep brine reservoir, especially considering it is cold and getting quite rich in salts.”
Comments