ni Ka Ambo @Bistado | Oct. 24, 2024
Lumubog ang Bicol dahil sa Bagyong Kristine.
Babalik kaya ang mga pulitikong dumalaw kay ex-VP Leni sa kasagsagan ng fiesta ng Penafrancia?
-----$$$---
DINEDMA lang ni PBBM ang histerya ni VP Sara.
Napakalaki ng kanyang tama.
----$$$--
INIMBITAHAN sa pagdinig ng Kongreso si ex-PRRD.
Napasakay sila.
He-he-he!
----$$$--
ITINUTURING pa rin ni VP Sara na BFF si Manay Imee.
Sa ngayon.
-----$$$--
MISTULANG nagdedeklara ng giyera ang bise presidente ng bansa.
Eh, kontra kanino?
----$$$--
MALINAW na hindi si PBBM ang makakalaban ng mga Duterte sa 2028 presidential election.
Kumbaga sa boxing, sanayin niya ang kamao kung saan niya ito patatamain habang nag-eensayo.
-----$$$--
KUNG napipikon at nag-aalburoto si VP Sara, ibig bang sabihin ay hindi siya mapipigil nang umakyat sa gradas sa 2028?Kung magkagayon, si Speaker FM Romualdez ang kanyang makakabangga.
----$$$--
NAIIPIT naman sa nag-uumpugang bato si Sen. Imee.
Ano ang kanyang dapat gawin?
Wala lang, magpokus lamang siya sa senatorial campaign at sikaping makapasok sa Top 5.
-----$$$--
SAKALING mag-topnotcher si Sen. Imee sa midterm election, posible siyang magkandidatong bise presidente.
Ang malinaw, siyempre, hindi siya puwedeng maki-tandem sa kanyang pinsang buo.
---$$$--
ANG presidential derby sa 2028 — ay apektado ng resulta ng 2025 election.
Diyan masusukat kung matutuloy ang Duterte vs. Romualdez presidential bout.
----$$$--
SA ngayon, kahit ano pang negatibong propaganda, malinaw na mas nakakaangat si VP Sara kaysa sa House Speaker.
Hindi ‘yan tsismis, iyan ay batay sa mga aktuwal na survey.
-----$$$--
OPO, ang mga nasasaksihan ninyong maniobra at drama — ay buwelo sa posibleng Duterte – Romualdez match.
Bisay vs. Bisoy.
-----$$$--
SAKALING matuloy ang Sugbuanon vs. Waray sa 2028, napakasuwerte ng ikatlong kandidatong magmumula sa Luzon.
Puwedeng maging dark horse ang isang Tagalog.
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.
Commentaires