ni Eli San Miguel @News | Nov. 12, 2024
Photo: Dating Pangulong Rodrigo Duterte / FB
Bibisitahin ng dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Batasang Pambansa sa Miyerkules upang harapin ang House Quad Committee tungkol sa pagpapaliban ng imbestigasyon sa war on drugs na nakatakda sana sa Nobyembre 13, ayon sa kanyang dating tagapagsalita na si Salvador Panelo.
“Former President Duterte and I will go to Batasang Pambansa tomorrow at 10 a.m. and confront the Quad Committee members why, after demanding his presence and accepting their invitation, and coming here last night, they will just cancel it without prior notice,” pahayag ni Panelo sa isang Viber message.
“He will ask them to schedule a marathon hearing of 10 days,” dagdag pa niya. Sinabi naman ni House Quad Comm lead chairperson Ace Barbers ang dahilan kung bakit ipinagpaliban ng panel ang imbestigasyon mula Nobyembre 13 patungo sa Nobyembre 21.
“We want our witnesses to issue affidavits and after they executed their affidavits, we need to vet them. Because a lot of people want to testify before the Quad Comm, we deemed it best to evaluate, interview the witnesses first, see who is credible,” ani Barbers sa isang press conference. “And that would take a lot of time,” dagdag pa niya.
Comments