top of page
Search
  • BULGAR

Durog sa ibinulgar ni Priscilla na may bagong babae… JOHN, IN-OFF ANG IG COMMENTS PARA ‘DI MA-BASH

ni Nitz Miralles @Bida  | July 17, 2024



Showbiz News

Naka-OFF ang comment box ng Instagram (IG) ni John Estrada sa post niya sa bakasyon nito sa Boracay. Pati ‘yung post niya na ipinagmalaking inilibre siya ng mga anak niya (kay Janice de Belen), off na rin ang comment box.


The last time we checked, open pa ang comment box at mababasa ang comment ng wife ni John na si Priscilla Meirelles. Hindi na tuloy nabasa ang comment ni Priscilla sa isang post ni John na “Looking Very Divorced, Mr. Estrada.”


Hindi na rin nabasa ang comments ng mga netizens na galit kay John dahil spotted siya sa Boracay na may kasayaw na three girls. Lalong hindi na nabasa ang mga comments sa post ni John with his two daughters.


Si Priscilla naman, open nga ang comment box ng IG, pero limited ang puwedeng mag-comment. Ang mga comments naman ay galit pa rin kay John. May magandang asawa na raw ito, naghanap pa rin ng iba. 


Pinayuhan si Priscilla na i-divorce na si John na sinagot nito sa isang vlog na walang divorce sa ‘Pinas na biglang binawi ang sinabi at nagbibiro lang daw siya.


Sa kanyang vlog pa rin, humingi ng respeto si Priscilla at three times yatang inulit ang “Konting respeto lang, just not much to ask, konti lang. ‘Di ko kaya ‘yung taong walang respeto,” sabi nito.


Nasa Brazil ngayon si Priscilla Meirelles at ang anak nila ni John Estrada. Nabanggit din nito na pupunta siya next month sa Florida. So, hindi pa uuwi ng Pilipinas ang misis ng aktor.


 

SA mga ikinuwento nina Roderick Paulate, Bayani Agbayani, Direk Danni Caparas, lumalabas na hindi lang lead actor ng sitcom ng TV5 na Da Pers Family ang role ni Aga Muhlach, siya rin ang casting director. 


Siya ang tumawag sa mga nabanggit para makasama niya sa nasabing sitcom na pilot na sa Sunday, July 21, 7:15 PM. Pati sa writer ng show na si Randy Reyes, siya rin ang tumawag.


Ikinatuwa ‘yun ni Roderick, lalo pa nang sabihin ni Aga na, “‘Di puwedeng wala ka ru’n” habang nakatingin si Aga sa kanyang pagsasalita. 


Kaya lang, parang hindi ‘yun ang sinabi ni Aga kay Bayani, na hindi puwedeng wala siya. Joke!


“First time na nagkaroon ako ng show na si Aga ang tumawag at sinabi n’yang may show at gusto n’ya na kasama ako. Iba sa ‘kin ‘yun, sanay akong kinakausap ng producer. S’ya ang nag-request na makasama ako,” wika ni Roderick.


Dagdag pa ni Roderick, relaxed sila sa taping at excited siyang mag-report.

“Atasha (Muhlach) takes care of my merienda. Masaya, it’s not work. Aga is one of the best actors we have at pinaninindigan ko ‘yan. Aga is a nice person, period.”


Well, maniniwala ka sa sinabi ni Aga na “Masayang-masaya ako na kasama ko kayong lahat,” dahil kita sa mukha nito at sa mga sagot sa tanong ang tuwa. 


Pati nga set-up ng presscon ay nakakatuwa dahil hindi ito usual setting na may long table at tabi-tabi ang cast. 


Sa presscon ng Da Pers Family, sa sofa nakaupo ang Muhlach family, nasa likod sina Roderick Paulate at Ces Quesada na espesyal ang upuan at nasa tabi nila ang ibang cast na iba rin ang upuan.


Magkaibigan na naging magkaribal sa negosyo ang role nina Aga at Roderick, pasarapan sila ng gawa ng iba’t ibang klase ng tinapay. 


Dahil nagkasama na sa dalawang shows at tunay na magkaibigan, hindi nahirapan ang dalawang magagaling na aktor na umarte at muling magkasamang magpatawa.


 

KUNG kailan nasangkot sa controversy si Dennis Trillo, saka nagkasunud-sunod ang projects nito. Heto at may kasunod ang Pulang Araw sa GMA-7. May bago rin siyang endorsement, may movie sila ni Jennylyn Mercado at Sam Milby, may international series pang gagawin.


Dagdag na project ni Dennis ang MMFF entry ng GMA Pictures na Green Bones na isang suspense/drama. 


Sa direction ni Zig Dulay at panulat nina Ricky Lee at Angeli Bayani, makakasama ni Dennis si Sofia Pablo at tiyak na may madaragadag pa sa cast. 

For sure, kayang-kaya ni Dennis gampanan ang role ng isang kriminal na gustong magbagong-buhay.


Samantala, parang hindi naman galit ang tao kay Dennis tungkol sa kinasangkutan niyang controversy. Sa social media lang galit sa kanya ang Kapamilya fans dahil sa labas ng internet, gusto pa rin siya ng tao.


Well, malakas ang sigawan nang makita si Dennis sa PinoyCon, lalo na nang umakyat siya ng stage para mag-promote ng Pulang Araw. Mainit siyang tinanggap ng tao at hindi nagpahuli sa lakas ng sigawan ang mga fans kina Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco at Alden Richards.


Hahangaan din sa Dennis Trillo sa portrayal niya ng isang malupit na Japanese soldier, first kontrabida role niya ito, matagal pinangarap, kaya tiyak na isang special na pagganap ang ibibigay at ipapakita niya sa mga viewers.

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page